CHAPTER 3

1.2K 48 1
                                    

Ellaine's POV

Sabi ni Mommy, ngayon daw namin ime-meet ang family ng soon-to-be husband ko. I sighed. Wala na talaga. Tuloy na ang pagkakaroon ko ng asawa dahil ime-meet na namin sila ngayon, I mean mamayang dinner kaya naman pagkatapos ng lunch namin, dinala ako ni Mommy sa isang salon para ayusan.

Deretso lang ang tingin ko sa salamin na nasa harapan ko habang may earphone sa tainga ko. Ang dami kasing sinasabi ni Mommy kaya para hindi ko marinig ang sinasabi niya, nagpa-music na lang ako. She's saying that I need to be courteous for my future in-laws. And I need to respect them.

Napabuntong hininga na lang ako. Parang hindi naman ako pinalaki ni Mommy na may respesto sa ibang tao. Napailing ako. Si Mommy talaga. Pagkatapos akong ayusan, my mom told me to wear the white dress she bought for me. The dress is above the knee and it has a ¾ sleeve and I just paired with white sneakers. Just simple but elegant.

"You need to impress your future husband." Sabi ni Mommy at isinuot sa akin ang kwintas na halatang mamahalin.

I sighed and rolled my eyes. "Mom, simplicity is the best. Okay na ang kwintas. Ayaw kong maging over decoration." Sabi ko ng tangka niyang isuot sa akin ang bracelet. Pati na ang hiwak. Baka sabihin pa nila na isa akong materialistic na babae. Ayaw na ayaw kong nasasabihan ako ng ganun lalo na at hindi naman totoo.

My mom sighed. "Anak, I just want to..."

"Mom, okay na po ang kwintas, okay?" Sabi ko at mabilis na tumayo sa harapan ng salamin.

Nakita kong napailing si Mommy. "Okay. Okay."

"Ma'am, ikakasal na po ba ang anak niyo?" Tanong sa kaniya ng may-ari ng salon.

"Yes, she will her future husband and in-laws." Sagot ni Mommy at ngumiti.

Ngumiti ang may-ari ng salon. "Ang ganda ng anak niyo po, Ma'am. I'm sure her future in-laws will like her."

Ngumiti lang si Mommy.

Nang makaalis kami sa salon, it's already five PM. Actually, magkakaroon kami ng early dinner with the family of my future husband na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung sino dahil ayaw sabihin sa akin ni Mommy at Daddy ang pangalan niya.

Sinundo kami ni Daddy sa salon. Kagagaling lang niya sa company.

"Hi, Dad." I greeted him.

Tumango lang si Dad. Umupo ako sa backseat habang umupo naman sa passenger seat si Mommy. I sighed and looked outside the window. Wala na talaga akong pag-asa. Goodbye, single life.

Limang minuto rin ang naging biyahe namin bago tumigil ang kotse sa harapan ng isang restaurant. Kainan ng mga mayayaman. Napailing ako at bumaba sa kotse. Hinintay ko ang mga magulang ko na makababa at pinauna ko silang pumasok sa restaurant. Syempre, nagpahuli ako at baka sabihin pa nilang excited ako. Hell no!

Nang makapasok kami sa loob ng restaurant, may sumalubong sa amin na isang waiter.

"Any reservations, Ma'am, Sir?" Tanong ng waiter.

Tumango si Daddy. "Yes, under the name of Niel Fuentebella."

"This way, Sir."

Sumunod ako sa mga magulang ko at nagtungo kami sa isang VIP room. Wow, ah. Sosyal.

Nang makapasok kami sa loob ng VIP room, nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Basta bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Huminga ako ng malalim habang nasa likod ako ng mga magulang ko.

"Amigo, you're here." Sabi ng isang boses lalaki.

Tinignan ko kung sino ito. Mukhang kaedad ni Daddy. Nagkayapan silang dalawa at nagbeso naman si Mommy ang isang babae na nasa loob ng kwarto.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz