CHAPTER 9

948 33 0
                                    

Clyde's POV

I sighed while looking at Ellaine entering the car. She really changed a lot. Ang daming nagbago sa kaniya. It's been fifteen years since we last met. Pero parang hindi na niya ako kilala ngayon. We were friends when we are a kid. She's just five and I am eight at that time.

Umalis kami at pumuntang America pero nangako ako sa kaniya na babalik ako at nangako naman siya na hihintayin niya ako. Pero mukhang nakalimutan na niya ako.

I saw the man she's with earlier. Mukhang mayaman ito at disente rin pero sino ang lalaking 'yon? Is he Ellaine's boyfriend?

Naisipan kong puntahan si Ellaine sa bahay nila. Pagdating ko doon, nag-doorbell ako. At ang katulong nila ang nagbukas ng gate.

"Manang Lita." Sabi ko.

Kumunot ang nuo ng Yaya ni Ellaine. "Sino ka?"

Ngumiti ako. "Ako po 'to. Si Clyde Bautista." Pakilala ko sa sarili ko.

"Clyde?"

"Iyong dati pong kalaro noon ni Ellaine. Ang nakatira po sa tapat ninyo noon." Sabi ko.

"Clyde, ikaw na ba 'yan? Napakagwapong bata ka na ngayon."

Natawa ako. "Hindi naman po masyado." Sabi ko.

"Pasok ka. Pasok."

Pumasok naman ako sa loob ng compound at sumunod ako kay Manang Lita na pumasok sa loob ng bahay.

"Kumusta na po kayo?" Tanong ko.

"Maayos naman ako, anak. Ikaw? Umupo ka muna."

"Salamat po."

"Anong gusto mo? Juice o ano?" Tanong ni Manang Lita.

"Huwag na po kayong mag-abala, Manang. Okay lang po ako. Dadalawin ko lang po sana si Ellaine. Masakit po kasi ang ulo niya kanina." Sabi ko.

"Okay lang ba siya?"

Tumango ako. "Opo. Actually, may naghatid na po sa kaniya kanina. Mukhang Lady Guard niya po 'yon." Sabi ko.

"Wala na si Ellaine dito." Sabi ni Manang Lita na ipinagtaka ko.

"Po? Nasaan po siya?" Tanong ko.

Bumuntong hininga si Manang Lita. "Lumipat na siya sa bahay ng asawa niya."

Kumunot ang nuo ko. "Asawa po, Manang? Kailan pa po siya nagkaroon ng asawa? Manang, huwag naman po kayong magbiro ng ganiyan." Sabi ko at bigla akong kinabahan.

"Hindi kita binibiro, Clyde. Totoo ang sinasabi ko. Kinasal lang sila noong nakaraang buwan." Sabi ni Manang Lita.

Bagsak ang mga balikat ko.

Napailing ako. She's married and but she promised me before that she will wait for me.





Nathan's POV

"So, how are you and you're wife?" Edzel asked me. He's in my office. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito sa opisina ko. Nanggugulo lang. Hindi nga 'to pumunta sa kasal namin ni Ellaine dahil may family affairs siya. Siya pa naman ang best man ko pero wala akong best man dahil sa kaniya. Wala naman na akong time para palitan siya dahil nasa simbahan na kami saka lang siya tumawag.

"We're fine." Sabi ko.

"May napansin lang ako sa asawa mo." Sabi ni Edzel.

"Ano?" Tanong ko naman.

"Don't over think. When I went to your house last time, she's looking at me. At hindi ang tingin na may nagkakagusto, ah. She looked at me like she wanted to kill me." Sabi ni Edzel.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant