CHAPTER 27

939 31 0
                                    

Third Person's POV

MABILIS ang pagtibok ng puso ni Nathan habang nakatingin sa resulta ng DNA test. Napalunok siya at tumingin kay Miguel. He looked at Maine and he saw her smiling like she won the lottery.

"How was it?" tanong ng kaniyang ama. "What's the result?"

"Ninety-nine point nine percent, Dad," sagot ni Nathan. Ibinigay niya sa mga ito ang resulta ng DNA test.

"So, ano ngayon ang masasabi mo?" tanong ni Maine sa kaniya. "Kinalimutan mo ang anak mo. Bumawi ka sa kaniya. But of course, nasa akin na kung papayag akong magkita kayong dalawa."

"Don't push your luck," malamig na saad ni Nathan. Lumuhod siya sa harapan ni Miguel. "From now on call me 'Daddy'."

Tumango ang bata. "Yes, Daddy."

Nathan sighed. But even he has the result of the DNA test, hindi pa rin kayang tawagin na 'anak' ang batang nasa harapan niya ngayon. Parang malayo ang loob niya rito.

"So, let's set our condition..."

"Susuportahan ko si Miguel. He will carry my surname. But don't expect me to be with you," malamig na saad ni Nathan at tumayo. Tumingin siya sa mga magulang niya. "Mom, Dad, I'm sorry."

"It's okay, Son."

Tumango si Nathan. "May trabaho pa po ako. Kailangan ko ng bumalik sa opisina ko."

"Sige. Kami na ang bahala kay Maine at sa apo namin."

"Thanks, Mom, Dad."

Lumabas si Nathan ng hospital. Nang makasakay siya sa kotse niya, kaagad niya itong pinaharurot pabalik sa kaniyang kumpanya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya, nandun na resulta ng DNA test pero parang ayaw niya pa ring paniwalaan. Parang may kulang. Parang may hindi tama na nangyari. Huminga siya ng malalim. Ngayon, papaano niya 'to sasabihin kay Ellaine? Paano siya aamin sa asawa niya? Alam niyang magagalit ito sa kaniya.

Nang masiguro ni Ellaine na nakalayo na si Nathan, saka lang siya lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Kumuyom ang kamay niya. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Nathan sa hospital dahil kasama pa nito si Maine. She sighed. Umalis siya ng hospital at bumalik sa University. Hindi siya pumasok ng ilang subject niya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya nawawala na ang tiwala niya kay Nathan. He's already keeping secrets from her. Samantalang siya halos lahat ay sinasabi niya rito dahil mag-asawa sila. Wala bang tiwala sa kaniya si Nathan?

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Erica sa kaniya. "You looked sad."

Umiling si Ellaine. "Wala 'to."

Tumingin si Stephanie kay Ellaine. "Si Nathan ang problema mo 'no."

Umiling lang si Ellaine.

"Stop denying, Ellaine. Kilala ka na namin. Ngayon ka lang namin nakita na ganiyan at kadalasan ang ganiyang mukha ay may problema sa mga asawa nila. Tell us, baka matulungan ka namin," sabi ni Stephanie. Ibinaba niya ang hawak na makeup.

"Wala nga 'to. Kaya ko na 'to," sabi ni Ellaine.

"Ellaine–" Stephanie stopped talking when Erica cut her off.

"Huwag mo na siyang pilitin, Stephanie. Magsasabi naman sa atin si Ellaine kung hindi na niya kaya," Erica said, sighing.

"Okay. Fine."

Yumukyok si Ellaine sa mesa.

Pagkauwi niya sa bahay ng hapon, na-late si Nathan ng uwi na hindi naman nito gawain dati. Pakiramdam ni Ellaine ay iniiwasan siya ng asawa niya. Tatlong araw na ganun. Halos hindi na nga sila nag-iimikan kahit pa magkasama sila sa iisang kwarto. Parang hindi sila magkakilala. Kaya naman hindi na nakatiis si Ellaine at kinausap niya si Nathan para magkaliwanagan silang dalawa.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now