CHAPTER 25

985 32 0
                                    

Nathan's POV

MAINGAT kong ibinaba si Ellaine sa kama nang makapasok kami sa loob ng kwarto. Ngumiti siya at sumandal sa headboard ng kama. Umupo naman ako sa gilid ng kama. Kinuha ko ang isang maliit na box sa bedside table at ibinigay kay Ellaine. "My gift."

"But this too much," Ellaine said.

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya. "Kulang pa nga 'to para sa akin. Open it."

"Ano ba 'to?" tanong ni Ellaine at binuksan ang box. Nakita kong natigilan siya at napatingin sa akin.

"Let me put this necklace for you," sabi ko. Tumayo ako at kinuha ko ang kwintas. It's a gold chain necklace with gold feather pendant.

"Thanks."

Ngumiti ako. "Beautiful."

"Do I look good?" Ellaine asked.

"You looked good in everything," sabi ko naman at ngumiti. Umupo ako sa gilid ng kama. Hinawakan ko ang kamay niya. "This is my first time to celebrate your birthdays with you and I will be with you again for your next, next, next birthday. We will celebrate it together."

Tumango si Ellaine at ngumiti. "Thank you. Ang bait mo sa akin."

"Because you're my wife."

"But what if I'm not your wife?"

"Hmm... siguro hindi ako mabait sa 'yo."

Ellaine pouted. "Akala ko naman kung mabait ka pa din sa akin kahit hindi mo ako asawa. Sama ng ugali mo."

Napangiwi ako. "I admit it. Masama talaga ang ugali ko minsan."

"May naalala pala ako, Dy," sabi ni Ellaine at may kinuha ito sa drawer ng bedside table at ibinigay niya sa akin.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino ang nasa larawan. Napalunok ako at napatingin kay Ellaine. "Bakit 'to?"

Ngumiti si Ellaine na parang sinasabi niya na may alam siya. "Sino ang baby na buhat mo?" tanong sa akin ni Ellaine habang nakangiti.

I sighed. Nag-iwas ako ng tingin. "Ako ba 'yon? Hindi ako 'yon."

Ellaine chuckled. Pumunta siya sa likuran ko at yumakap sa leeg ko mula sa likuran. "Sabi ni Mommy Valerie na ako daw 'yon. Ikaw, ah. Hindi mo man lang sinasabi sa akin ang tungkol doon."

"Wala akong alam do'n."

"Still denying it," sabi ni Ellaine.

Napailing ako. Si Mommy talaga. Bakit pati ang tungkol sinabi pa niya kay Ellaine?

"Sabi din ni Mommy Valerie na noong pumunta ka sa ibang bansa, lagi kaw tumatawag at tinatanong..."

"I admit it," I said.

Ellaine chuckled and kissed me on my cheek. "I knew it."

I sighed. "Please don't tell this to anyone, Baby."

"Hindi ba alam ni Levison at Edzel ang tungkol sa kwento ng love life mo?"

"No. Walang nakaalam maliban sa mga magulang ko," sabi ko.

"Really? Tell me about it."

Sinulyapan ko si Ellaine. "No."

She pouted. "Sige na."

"No."

"Dy..."

"No," sabi ko pa din. "Alam kong sinabi na sa 'yo ni Mommy. Ayaw ko ng magkwento. Baka pagtawanan mo lang ako."

"Hindi ako tatawa. Promise."

Umiling ako. "Magpahinga ka na."

"KJ nito," sabi ni Ellaine at umalis sa likuran ko.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now