CHAPTER 12

1K 45 2
                                    

Ellaine's POV

HALOS ayaw kong gumising dahil masakit ang ulo ko pero kailangan dahil may intramurals kami ngayon at lahat ay required na pumasok dahil kung hindi ay mababawasan ang grade namin. Parang sweldo lang 'no na mababawasan kapag hindi ka pumasok. Napabuntong hininga ako at pinilit kong bumangon. Nahihilo ako at mabigat ang pakiramdam ko. Lalagnatin na naman yata ako.

Bumangon ako at inayos ang kama. Mabagal ang bawat galaw ko dahil talagang nahihilo ako. Pumasok ako sa banyo at naligo. Naginhawaan pa ako matapos akong makaligo ng maaligamgam na tubig. Pagkatapos kong maligo at magbihis, kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa living room at nagtungo sa kusina.

"Nakahanda na ang almusal mo, Ma'am Ellaine." Sabi ni Nanay Anita.

Tumango ako. "Salamat po." Sabi ko. "Nay, pwede niyo po ba akong bigyan ng gamot para sa sakit ng ulo?"

"Bakit? Masakit ba ang ulo mo?"

"Opo." Tumango ako.

"Buntis ka ba?" Tanong bigla ni Nanay Anita at muntikan ko ng maibuga ang kinakain ko.

"B-buntis? Hindi po ako buntis. Masakit lang po ang ulo ko at nahihilo ako." Sabi ko.

Natawa si Nanay Anita. "Sorry naman. Akala ko buntis ka dahil 'yan ang isa sa mga symptoms ng pagbubuntis."

Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Kumain ako at pagkatapos kong kumain, uminom ako ng gamot. Lumabas ako ng mansyon at nagpahatid kay Ivy sa university. Pagdating ko doon, kaagad akong pumunta sa malawak na field at halos naroon na ang lahat ng mga estudyante at mukhang start na rin ang program. Nasa ibaba ng bleacher si Stephanie at Erica kaya kaagad ko silang nakita. Nagtungo ako sa kanila.

"Hi." Bati ko.

"Oh, Ellaine. Are you okay?" Tanong ni Erica. "Namumutla ka."

"I'm fine." Sabi ko naman at umupo sa tabi ni Erica.

Nawala na ang hilo ko at ang sakit na lang ng ulo ko ang hindi pa nawawala.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito sa bag ko. I saw Nathan's message.

'Where are you?'

Kumunot ang nuo ko at nagtaka. Bakit naman tinatanong ng baklang 'to kung nasaan ako?

'In the bleacher. In front, near the stage.' I replied.

'Look at the stage.'

Tumingin naman ako sa bleacher. Nagulat ako nang makita ko si Nathan na nasa stage at nakaupo ito sa likod ng mahabang mesa, nasa gitna ito. Kumaway siya sa akin. Ngumiti na lang ako. Kapagkuwan napailing ako, nawala sa isipan ko na siya ang may-ari at presidente ng university. Malamang sa malamang pupunta siya dito.

I sighed and looked at Erica. "Kung hindi lang mahalaga ang intrams na 'to sa grade natin, hindi talaga ako papasok."

Erica chuckled. "Magtiis ka na lang, Ellaine. Half-day lang naman ang program and the rest is games na."

I looked at my phone when I felt it vibrated again.

'Ellaine.'

Napailing ako kay Nathan. 'What?'

'Ang ganda mo. Huwag kang masyadong magpaganda, marami akong magiging kaagaw sa 'yo.'

Mas lalong kumunot ang nuo ko kay Nathan. Ano bang pinagsasabi ng mokong na 'to? Napailing ako. Mas lalo yatang sasakit ang ulo ko dahil sa mga sinasabi niya. Napabuntong hininga ako at nabigla nang bigla na lang kunin ni Erica ang cellphone ko at nakibasa.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now