CHAPTER 15

980 35 0
                                    

Ellaine's POV

"Oh, ang lungkot naman yata ng mukha mo ngayong araw na 'to," sabi ni Erica sa akin habang nasa canteen kami. Tumingin naman sa akin si Stephanie na kasalukuyang nagre-retouch ng make up niya. Napabuntong hininga ako at nangalumbaba.

"Anong nangyari?" tanong ni Stephanie.

"Wala si Nathan," sagot ko.

"Ah?" halata ang pagtataka sa mukha ng dalawa.

"Anong wala?" tanong ni Erica.

"Nasa business trip siya."

"Kaya naman pala ang lungkot ng mukha mo." Napailing si Erica at mahinang natawa. "Gaano katagal?"

"One week."

"So, one week namin makikita na ganiyan ang mukha mo. Ewan ko kung nakasimangot ka ba o nalulungkot," sabi ni Erica.

I sighed. Yumukyok ako sa mesa sa harapan ko. Ikadalawang araw na ngayon na wala si Nathan. Malungkot ako. Wala akong kasama na kumain ng breakfast at dinner. Tinignan ko ang phone ko. Hanggang ngayon ay wala pa siyang tawag.

Habang nasa klase kami, buong maghapon na nakangalumbaba ako. Nag-iingay ang mga kaklase ko habang ako ay tahimik lang na nakaupo at pinapanood ko sila. Wala kaming instructor dahil biglaan silang nagkaroon ng emergency meeting.

"Ellaine."

Napatingin ako kay Clyde. Tinignan ko lang siya at hinintay kung ano ang sasabihin niya pero hindi naman siya nagsalita kaya binawi ko ang tingin ko at doon ako sa harap tumingin.

"Ellaine, are you okay?" tanong ni Clyde.

"It's none of your business," walang emosyong kong sabi at hindi tumingin sa kaniya.

I heard him sighed. "I'm sorry sa nangyari noong nakaraan. Dahil sa akin kaya ka nila kinulong sa haunted room."

Nagkibit lang ako ng balikat. "Huwag mo ng ipaalala sa akin 'yon," sabi ko naman. "Kinalimutan ko na 'yon. Mabuti na lang at mayroon ang asawa ko na nagtanggol sa akin."

"Yeah. You're husband," narinig kong sabi ni Clyde. Hindi ko alam kung naiinis ba siya o ano. Para kasing may pagkadisgusto sa boses niya.

Tinignan ko ang suot kong singsing. Napangiti ako at ipinikit ang mata ko. Nitong mga nakaraang araw, nararamdaman kong gustong makipaglapit sa akin si Clyde pero umiiwas ako. Kaibigan ko siya pero matagal na 'yon, mga bata pa kami noon. Hindi ko alam pero gusto kong umiwas at lumayo sa kaniya. May asawa na akong tao at hindi na dapat ako nakikipag-usap o nakikipaglapit sa ibang lalaki.

"Ellaine," tawag sa akin ni Clyde. "Can we go out? Friendly date?"

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa kaniya. "Ikaw na lang mag-isa. Thank you."

"You're really avoiding me."

"I'm already married," sabi ko. "It's inappropriate for me to go out with another man." Kinuha ang earphone sa bag ko. Inilagay ko ito sa magkabilang tainga ko para hindi ko na marinig ang iba pang sasabihin ni Clyde dahil baka mainis lang ako.

Minsan talaga may mga taong nagpapapansin. Napabuga ako ng hangin at napailing. Nang matapos ang klase namin sa hapon, nagpaalam kaagad ako kay Erica at Stephanie na uuwi na ako. Alam kong may date si Stephanie at ng boyfriend niyang si Troy. Strong din ang dalawang 'to.

"Ingat ka," sabi ni Stephanie nang makalabas kami ng gate.

"Ellaine!" tawag sa akin ni Erica.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Pasabay ako."

"Sige," sabi ko naman.

Eksakto naman na dumating si Ivy para sunduin ako.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now