CHAPTER 8

1K 36 1
                                    

Ellaine's POV

HUMINGA ako ng malalim bago ako bumaba ng kotse. Pumasok ako sa loob ng University at tinignan ang class schedule ko. Sana naman magkakasama ulit kami nila Erica at Stephanie. Nagtungo na ako sa first class ko. Pagpasok ko sa room, konti pa lang ang tao. Napangiti ako nang makita ko si Erica at Stephanie na nasa gilid. Naglakad ako patungo sa kanila.

"Hi." Bati ko.

"Oh, for the first time na late ka." Sabi ni Erica.

"Napuyat ka ba kagabi?" Nakangising tanong ni Stephanie.

Of course, I got what she meant.

I rolled my eyes at her. Umupo ako sa tabi ni Erica. "Hindi ako napuyat kagabi. FYI. Hindi na ako sa bahay ng mga magulang ko umuuwi."

"Oo nga pala." Sabi ni Erica.

Napatango naman si Stephanie. "Akala ko na late ka talaga." Sabi niya.

Napailing na lang ako. "Minsan kasi ang dumi rin ang utak mo eh."

"I can't help it."

I tsked.

I looked at my wrist watch. May fifteen minutes pa bago dumating ang prof namin. Napatingin kami ni Erica kay Stephanie nang marinig ang pagrereklamo nito.

"Ano ba 'yan? Finance pa talaga ang unang subject natin."

"Bakit?" Natatawang tanong ni Erica. "Maganda kaya 'yon."

Sumimangot lang si Stephanie.

Maya-maya pa ay dumating na ang prof namin at may kasama pa itong isang estudyante. Kaagad naman na kinilig ang mga kaklase ko dahil sa gwapong estudyante na bagong dating. Pero mas gwapo si Nathan. Napailing ako. Bakit ba bigla na lang pumasok sa isipan ko si Nathan? But indeed, mas gwapo si Nathan kaysa sa bagong dating na kaklase namin.

Sumandal ako sa kinauupuan ko.

"Good morning, Class. I am Prof. Sheila Mendoza and I am your teacher in Finance." Pakilala ng prof namin.

"Good morning, Ma'am." Bati namin.

"Okay. He is your new classmate. Kata-transfer niya lang dito sa section niyo. So, please kindly introduce yourself." Sabi ni Prof. Sheila.

"Hi. Good morning to all. I am Clyde Bautista." Pakilala ng lalaki at tumingin sa akin.

Kumunot naman ang nuo ko. Bakit naman 'to tumingin sa akin na parang kilala niya ako? Hindi ko nga siya kilala.

"Ellaine, ngumiti siya sa 'yo." Sabi ni Stephanie.

"Oh, tapos? Wala akong pakialam." Sabi ko.

Napailing si Erica. "Totoo 'yon. He smiled at you. Sayang lang at may asawa ka na."

I sighed. "Pwede ba? Tigilan niyo ako. Nandito ako sa school para mag-aral hindi para lumandi." Sabi ko.

"Stephanie, tumigil ka na kasi." Sabi ni Erica.

"Pero totoo naman ang sinabi ko."

Napailing na lang ako.

I looked at our new classmate. Ngumiti siya nang madaanan niya ako at umupo siya sa likod ko. Kumunot ang nuo ko dahil mukha siyang pamilyar. Pwedeng nakita ko na siya noon pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Hassle lang kapag iisipin ko pa kaya huwag na.

Nagsimula na ang klase namin at nakikinig naman ako habang si Erica at Stephanie ay nag-uusap. Hinayaan ko na lang sila at nang matapos ang klase namin kay Ms. Sheila, kaagad na may sumunod.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now