CHAPTER 19

989 28 0
                                    

Ellaine's POV

Today is the University Gathering. Half-day lang ang klase namin dahil ibinigay sa amin ang kalahating araw para maghanda. Napabuntong hininga ako nang makita ko si Nathan na nakasandal sa kotse niya habang nakahawak sa cellphone niya. He's just wearing khaki pants, black shirt and sneakers. Hindi mo aakalain na presidente siya ng school at isang CEO ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa dahil sa suot niya. Napailing ako. Napansin kong napapatingin sa kaniya ang ibang estudyante na lumalabas ng gate. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kaniya? Ang gwapo kaya ni Nathan? How lucky I am to be his wife?

"Oh, andiyan naman pala ang gwapo mong tagasundo," nakangising sabi ni Stephanie.

Tumingin ako sa kanila ni Erica. "Mauna na ako."

"Sige," sabi ni Erica.

Stephanie just waved her hand to me. Naglakad ako palapit kay Nathan. Mukhang hindi pa niya ako napansin. I poked his arm. "Dy," tawag ko.

Mukhang nagulat pa siya at mabilis na napatingin sa akin.

"What are you doing? Hindi mo man lang ako napansin," sabi ko.

"Uh? Nothing." Itinago niya ang cellphone niya. "May tinitignan lang ako sa cellphone ko," sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. "Ka-text mo si Edzel 'no?"

Nathan sighed. Binuksan niya ang pinto ng kotse. "Get in," sabi niya nang hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Ngumiti ako at sumakay sa kotse. Nathan closed the door beside me and went to the driver seat. Bigla na lang sinapo ni Nathan ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.

"Don't ever think that I have a thing with Edzel," seryoso niyang saad.

Ngumiti ako. "Alam kong wala. Inaasar lang kita," sabi ko.

Tinignan ako ni Nathan.

"Okay. Okay." Tumango ako. "Hindi na, Dy."

'Dy' is rolling smooth in my tongue.

Napailing si Nathan. "Bakit ba hindi na ako nasanay sa 'yo kahit ilang buwan na tayong mag-asawa?"

I chuckled. "Ang dali mong maasar ngayon samantalang noon hindi mo pinapansin ang mga sinasabi ko tungkol sa inyo ni Edzel."

"Iba noon, Baby. Iba ngayon."

"Oh." Tumingin ako sa harapan.

"Let's go. Kailangan pa nating maghanda para sa gathering," sabi niya.

Tumango ako. Tumingin ako sa kaniya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa pisngi. Napatingin siya sa akin. Ngumiti naman ako at umayos ng upo sa upuan ko. I heard him chuckled. He droved the card towards the mansion. Nang makarating kami sa mansyon, hinila ako ni Nathan sa dining area.

"I'm not hungry," I said.

Nathan looked at me. Tumaas ang kilay niya.

"Kumain na ako kanina sa canteen kasama si Erica at Stephanie," sabi ko.

"Kahit na. Kumain ka pa rin. Ang payat mo," sabi ni Nathan.

Pumunta ako sa harapan niya, "kahit kumain pa ako ng isang kalderong kanin hindi na ako tataba."

"Ang payat mo," sabi ni Nathan. "Kumain ka kahit konti lang."

Ngumuso ako. "Busog ako, Dy."

Tinignan ako ni Nathan. "Kung ayaw mong kumain then go to our room and rest for bit before you ready yourself," sabi niya na parang na-disappoint.

Kumunot ang nuo ko. I looked at him for a second before I turned my back to him. Naglakad ako patungo sa dining area. Natigilan ako nang makita kong may nakahandang pagkain sa kusina.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now