CHAPTER 6

1.1K 36 0
                                    

Ellaine's POV

"WHERE are we?" Tanong ko kay Nathan nang makita kong huminto ang kotse ni Nathan sa tapat ng isang malaking gate at kulay itim ang kulay nito. Halatang bahay ito ng isang mayaman. Hindi na nakakapagtaka.

Kagagaling lang namin mula sa reception ng kasal namin at dito na ako dinala ni Nathan pagkatapos.

Nathan smiled. "We're in my house. I built this when I was twenty-five."

"Oh." Napatango na lang ako. Then my bigla akong naalala. "You're twenty-six, right?"

Tumango si Nathan. "I am."

"Ang layo naman ng agwat natin." Sabi ko.

"It's okay." Sabi ni Nathan at ngumiti ng tipid.

Nagbusina si Nathan at maya-maya pa ay bumukas ang gate at minaneho ni Nathan ang kotse papasok sa loob ng compound. I am amazed when I saw Nathan's house. No, it's not a house. It's a mansion. May pavilion at fountain sa harapan ng mansyon ni Nathan.

"Let's go." Sabi ni Nathan nang tumigil ang kotse sa tapat ng pinto ng mansyon.

Tumango ako at bubuksan ko na sana ang pinto sa tabi ko nang pigilan ako ni Nathan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sandali lang," sabi niya.

Kumunot ang nuo ko nang bumaba siya ng kotse at umikot ito patungo sa pintuan na nasa tabi ko. He opened the car's door for me.

"Thanks." Sabi ko at bumaba ng kotse.

"Welcome home, Sir, Ma'am." Bati sa amin ng may edad ng babae.

Ngumiti si Nathan at tumango. "Ellaine, this is Nanay Anita, mayordoma ng mansyon. Nay, si Ellaine po, asawa ko." Pakilala sa amin.

Ngumiti ako. "Kumusta po?" Tanong ko.

"Maayos naman ako, hija. Ang ganda mo naman." Sabi ni Nanay Anita.

Nahihiyang ngumiti ako. "Salamat po."

Nathan chuckled. "Nay, mag-utos po kayo ng magbababa ng gamit ni Ellaine at pakipunta po sa kwarto ko."

"Sige. Sige. Ako na ang bahala. Magpahinga na kayong dalawa." Sabi ni Nanay Lita.

Tumango si Nathan at masuyo akong hinila papasok sa loob ng mansyon. Tinignan ko ang loob ng bahay ni Nathan. "Wow." Sabi ko. "Nice house." Komento ko.

"Our house for now." Nathan said.

"Ah?"

"You're my wife now so everything that I own also belongs to you now."

Umiling ako. "Hindi kaya magseselos ang boyfriend mo?" Sabi ko.

Mabilis na tinakpan ni Nathan ang bibig ko. "Ssshhh..." Tumingin pa siya sa paligid.

I just peace sign. "Sorry."

Napailing si Nathan. "Let's go to our room. Gusto ko ng magpahinga. Alam kong pagod ka na din." Sabi niya.

Tumango ako at sumunod kay Nathan. Umakyat kami sa hagdan patungong ikalawang palapag. The designs, decorations, furniture and all inside the house screams wealth. Well, kunsabay mayaman naman si Nathan. Hindi na nakakapagtaka 'yon. Nagkibit ako ng balikat at pumasok kami sa kwarto na binuksan niya. Maganda ang kwarto ni Nathan. Kulay itim ang kama at kulay itim rin ang mga kurtina.

"This is my room but now it's our room." Sabi ni Nathan.

Nanlaki ang mata ko at napalunok. "O-our room?" Sabi ko.

Nathan looked at me. "Yes. Our room."

"Hmm... baka pwedeng sa guest room na lang ako." Sabi ko at bahagyang umatras.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now