Nakaranas kana ba ng SLEEP PARALYSIS?
Kasi si K? Opo,. 3 times na.. Kwento niya satin kung paano...
K's POV:
Bago po kasi kami lumipat dito sa bahay namin, dami sabi sabi may mumu daw dito..kesyo dito daw ay may pumanaw na.. Binalewala ko lang naman po..
Pero isang beses po ako natulog sa terrace namin kasi ganitong panahon din po yun, SUMMER...
sobrang sama ng panaginip ko.,
As in sumisigaw na ako nun.pero yung pag sigaw ko pahina ng pahina . Pero alm ko talaga ang lakas lakas ng boses ko.
Kaso wala daw naririnig nanay ko. Hanggang pumasok sa panaginip ko na may nagpapabilang sa akin ng kable ng kuryente , isang milyon ba naman. Kaya pinipilit ko bumangon. Kaso hindi ako makabangon at ang bigat bigat ng katawan ko at di ko maimulat ang mata ko na parang gusto tapusin ko pag bibilang. Pero. Nilabanan ko yun .
Buti na lang may awa ang Diyos. Nagising ako...2nd time , sa salas po namin.lagi pong natataon na summer at tanghali. Ganung eksena po ulit . Pero di na pinagbibilang. Pinilit ko po labanan yun.. Nagising ulit ako.
At ang last po . Sa terrace ulit. Tanghali po ulit . Ganun na po ulit. Ang malala pa po nito, Parang hirap na hirap na ako huminga nun..
Tapos may humihila ng mga paa ko ng dalawang beses.
Akala ko po asawa ko lang pero wala po siya that time . Nasa trabaho. Tapos hindi na naman ako makabangon . Na parang may nakadagan sa likod ko...Hindi ulit ako makamulat na parang ang mata ko ay gustong gusto pa matulog!. Hanggang sa sinigaw ko na ang "TUBIG" buti na lang po katabi ko anak ko (6 years old) agad niya po ako nabigyan at nainom ko po tubig na yun ng nakahiga ako kasi parang antok na antok ako.
Ang naging lesson lang po sakin ng mga pangyauaring yun ay palagiang manalangin....
Yun po kasi sabi ng asawa ko sakin na bago matulog ay manalangin ako para makaiwas na daw ako sa mga ganung karanasan. .
At simula nga po nung lagi na ko nananalangin, Ok na po ako... Wala ng naganap na SLEEP PARALYSIS sakin...______________________________________
Hello Guys, I'm back😅😂🤣
Pasensiya na super duper late update... busy lang talaga...😊
Basta pag may time isusulat ko lang dito...
Thank You...😘😘😘
YOU ARE READING
The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)
Mystery / ThrillerHighest rank achieved: #5 in HORROR category! This is a compilation of unforgettable horror stories! Hope you'll like my first ever story! Enjoy reading and please do vote!!!! Thank You!!!😘😘😘