"Bata"

8.4K 128 11
                                    

Kuwento ito ng isang kakilala ko, nasa mid 50's na siya ngayon.

Naranasan niya ang nakakatakot niyang kuwento nung maliliit pa ang kaniyang anak. Nakatira palang sila noon sa maliit na barong barong, sa harap ng bahay nila ay malaking puno ng caimito na sinasabi nilang may mga nakatira dahil madalas kapag gabi, umuulan ng buhangin sa bubong ng bahay nila. Sinasabi rin niya na minsan ay may nakakakita daw ng malaking baga ng sigarilyo sa taas ng puno.

Minsan, nagpaalam sa kaniya ang kaniyang mga anak para makipaglaro sa mga pinsan nila sa kabilang purok ng kanilang barangay. Malapit na magtanghalian nun kaya nagluluto siya, pinayagan niya ang kaniyang mga anak pero pinagbilinan niyang umuwi sa oras ng tanghalian.

Nang makatapos  na siyang magluto ay nagpahinga na siya.. Naupo siya sa gawing sala at itinaas pa ang paa sa lamesita para lalo siyang marelax...

Kurtina lamang ang nagsisilbing harang ng sala at kusina. Nang mga oras na iyon ay nasa sala siya, patalikod ang upo niya sa kusina kaya hindi niya pansin kung may tao man dito.

Bigla niyang naramdaman na parang may tao sa likuran niya kaya siya lumingon at naaninag nga niya na may batang nakatayo, hindi niya nakikita ang mukha dahil natatabingan nga ng kurtina pero masasabi niyang bata iyon dahil sa height nito.

Napanatag siya dahil iniisip nya na isa sa mga anak  nya yung dumating dahil oras na ng tanghalian. Tinanong niya ito,

"nasaan na ang mga kapatid mo? Bakit hindi mo pa isinabay sa pag uwi?"

Pero wala namang sumasagot at inulit pa nya ang tanong ngunit hindi pa rin umiimik.

Nainis siya dahil doon kaya napagpasyahan na niyang tumayo para sana pumunta sa kusina pero napatigil siya dahil patakbong dumarating na ang kaniyang mga anak. Pero natigilan sya Dahil ang alam niya ay dumating na ang isa sa kaniyang anak. Kaya papaanong kararating lang ng mga anak niya ng sabay sabay?

Sino ang batang nakita niya at kinakausap niya pa?..

Kaya tinanong pa niya ang mga anak kung sino yung umuwi kani-kanina. Pero sabi nila ay hindi pa sila umuuwi buhat ng magpaalam sa kaniya para maglaro.

Dahil dun, naisip Nita na ligaw na kaluluwa ang  batang kinakausap at nakita niya kanina.

At ayon sa kaniya may mga pagkakataon na nararamdaman niya itong pagala gala sa loob ng tahanan nila.. Hindi na lamang niya ito pinapansin at baka makita pa niya kung ano ang tunay nitong hitsura!!..

A/N: Thanks for reading!
Go to the next story!
Enjoy!!!😆

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Where stories live. Discover now