"Kandila"

365 14 0
                                    

Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang batang sobrang gala, mapaaraw man o mapagabi.
Uuwi Lang siya Ng bahay kapag kakain o matutulog. Pero Hindi niya Alam na sa sobrang pagkagala niya mararanasan Ang pangyayaring Hindi niya malilimutan.




Kris POV:

Natatandaan ko nun ay grade 6 ako. Sobra akong nahilig sa paglilibot sa bahay ng kaibigan ko tuwing weekends. Siyempre kapag weekdays naman ay pumapasok ako sa paaralan. Magpunta man ako sa bahay ng kaibigan at kaklase ko rin kapag may pasok ay saglit lang. Magkabaryo lang naman kami.

Ang talagang gala ko sa kanila ay kapag araw ng sabado, halos dun ako maglagi sa kanila, siguro simula alas nueve Ng Umaga hanggang alas diyes Ng Gabi.. pero pauwi uwi naman ako sa bahay at kakain..Pero minsan  sa kanila narin ako kumakain. Kapag araw ng linggo naman ay mga kalahating araw lang ako sa kanila
dahil gagawa ako ng mga assignment sa paaralan Kung meron at tutulong narin sa ibang gawaing bahay na kaya ko Kung kaya naman siguro pinapayagan narin ako ng aking Nanay at Tatay na maglibot. Bagaman at sinasabihan nila ako na huwag masyadong nagpapagabi.

Naglilibot din naman sa amin ang kaibigan ko pero mas madalas na ako ang dumadayo sa kanila..



Isang gabi ng araw ng Sabado.....
.
.
.
.
.
Nalibang kami masyado ng kaibigan ko  sa paglalaro ng computer games at hindi ko namalayan na alas dose na pala ng madaling araw.

Nang mapatingin ako sa orasan ay laking gulat ko Kaya naman nagpaalam na ako  sa kaibigan ko na uuwi na ako dahil tiyak na papagalitan nanaman ako ng mga tao sa bahay. Pero siguro naman ay tulog na sila sa ganitong oras kaya magdadahan dahan nalang ako sa pagpasok sa bahay para hindi halata(hahaha Ang talino ko talaga!;))


Pero hindi ko alam na sa gabing iyon mararanasan ko Ang isang pangyayaring hindi ko makakalimutan at medyo magpapabago ng nakagawian ko.



Naglalakad na ko pauwi, medyo madilim ang daan dahil sa malamlam lang ang sinag na nanggagaling sa buwan, kakanta kanta pa ako ng mahina dahil wala na talagang tao sa labas ng ganung oras, malamang tulog na lahat ng tao dahil nakapatay na ang lahat ng ilaw sa mga bahay na nadadaanan ko.



Nagpatuloy lang ako sa paglalakad Ng biglang may napansin ako sa di kalayuan na maliit na apoy... Pilit kong inaaninag habang papalapit ako at lumilinaw sa aking paningin na isang kandilang may sindi nga ang nakita ko.


Nang isang dipa nalang ang layo ko ay bigla akong kinilabutan sa nakita ko!..
Napahinto din ako sa paglalakad.
.
.
.
.
.
Isang matandang babae ang nakita ko na nakaharang sa dadaanan ko!

Nakasaya ito ng kulay itim na sayad hanggang lupa at ang mahaba at mapuputi nitong buhok na lagpas puwetan ang haba ay nakatakip sa mukha nito. Habang ang kandila ay nakapatong sa palad nito.

Nakayuko ito at biglang nagsalita........
.
.
.
.
.
Mamaya ka na umuwi.....
Magkuwentuhan muna tayo Amang!( Malalim ang boses na parang nanggagaling sa ilalim Ng lupa)





Dahil sa narinig ay tumaas pa ng ilang level takot at kabang nararamdaman ko.
Wala na akong inaksayang sandali ng mga oras na yon!
.
.
.
.
.
Tumakbo ako ng pagkabilis bilis na pakiramdam ko ay hindi na sumasayad ang paa ko sa lupa. Nanlalaki Ang ulo ko at nakatayo lahat Ng balahibo ko sa aking pakiramdam!!






Natatanaw ko na sa wakas ang bahay namin at laking tuwa ko na nakabukas pa ang mga ilaw, ibig sabihin lang ay may gising pa sa amin.

Pagkatapat na pagkatapat ko sa pintuan ng bahay namin ay dali dali akong kumatok.

Pinagbuksan ako ng Nanay ko at agad agad akong pumasok. Gising pa pala pati si ate. Nakita nila na hingal na hingal ako na halos lumawit na ang dila ko. Kaya tinanong nila ako kung bakit kaya kinuwento ko ang nangyari.


Naniwala naman sila dahil hindi naman ako magkakaganon ng walang dahilan.
Pero si ate pinagtawanan pa niya ako that time at sinabihan na siguro daw ay magtatanda na ako.

Hindi ako halos makatulog ng gabing yon..
Kinabukasan, sinermunan nanaman nila ako sa bahay.. Sinabihan ako na Kung maglilibot daw ako e wag na akong masyadong nagpapagabi..

Sinunod ko naman sila... Naglilibot parin ako pero binabantayan ko na ang oras ng pag uwi ko.


Payo ko lang din sa mga taong gala na kagaya ko, kapag pinagsasabihan tayo ay matuto tayong makinig dahil para sa atin din naman yon.
Isa pa walang masunurin na napapahamak.

-----------------------------------------------------------------
A/N: Sana po ay nagustuhan niyo ang kuwento.
At Sana ay may nagbabasa pa po ng story ko.😧😧

Pasensiya na po sa medyo matagal na update...
Enjoy reading po and please vote..
Thank you...








The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Where stories live. Discover now