"Ang Panaginip"

2.4K 35 1
                                    

Lahat ng tao ay nakararanas ng panaginip, natural lamang ito.
May magandang panaginip, may nakakakilig, may nakakatakot at kung minsan ay hindi mo maintindihan kung ano ang kahulugan ng iyong panaginip.

May panaginip na kapag ikaw ay nagising ay hindi mo na maalala ang mga pangyayari at ipagwawalang bahala mo na lamang, ngunit may panaginip na tandang tanda mo ang lahat ng detalye simula sa umpisa hanggang sa dulo.

Mayroon din namang akala mo totoong totoo na ngunit bigla ka nalang magigising at masasabi mo na; "Panaginip lang pala!"

May kasabihan ang iba tungkol sa panaginip. Maaring ito ay kabaligtaran sa tunay na mangyayari,halimbawa'y may napanaginipan kang isang tao na nakahimlay sa kabaong ngunit buhay na buhay pa naman siya sa totoong buhay, ibig sabihin daw niyon ay mahaba pa ang kaniyang buhay.

Kung ang panaginip mo naman ay nalagasan ka ng ngipin, maaari raw na may kaanak ka na mamamaalam. Ganito din ang pakahulugan nila kung ang panaginip mo naman ay ikaw ay namamangka.

Ayon pa sa iba, kapag naman may kasama kang tao na hindi mo kilala sa iyong panaginip, sila daw yung mga taong namayapa na ngunit nasa paligid mo lang.

Ano man ang pakahulugan natin sa ating mga panaginip, halina't sabay sabay nating basahin ang kuwento ni Nanay Deli ukol sa kaniyang hindi malilimutang panaginip kahit na mahabang panahon narin ang lumipas...

Ayon sa kaniyang kuwento, Wala namang nakakatakot sa kaniyang panaginip dahil puro madaming tao lang naman ang nakikita nya na nasa bakuran ng isa nilang kabaryo. May mga nag-uusap usap, may mga naglalaro ng baraha sa mga mesang naroon, may nagkakantahan at sa likod bahay naman ay may mga nagluluto sa mga kawa (malalaking kawali).

At panghuli niyang nakita ay ang kulay itim na tela na nakasabit sa harap ng bakod ng mga ito at doon siya biglang nagising.

Pagkagising niya ay agad niyang nasabi ang kaniyang panaginip sa kaniyang ina na may halong pagtataka kung bakit ganoon ang panaginip niya.

At nagtaka din naman ang kaniyang ina, at hindi din maipaliwanag kung bakit nga ba ganoon ang napanaginipan niya. Nang biglang maya-maya ay humahangos na dumarating ang tsismosa nilang kapitbahay at ibinalita nito na patay na ang isang matanda na kababaryo nila, at ang bakuran na napanaginipan niya ay pagmamay-ari niyon.

Nagkatinginan na lamang silang mag-ina dahil maliwanag na kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang panaginip. Tila iyon isang pangitain na namatay na ang kanilang kabaryo, ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit niya napanaginipan iyon at ang matindi pa ay totoo pala ang pangyayaring kaniyang nakita sa panaginip.

A/N:Hello guys.. Salamat po sa patuloy na pagbabasa kahit na sobrang natagalan sa pag update.. Thank you, Thank you..
Enjoy reading^_^

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Where stories live. Discover now