"The Vision"

1.1K 27 6
                                    

Ang kuwentong inyong mababasa ay hango sa tunay na karanasan ng isa nating napakasugid na mambabasa ng T.U.H.E.

Salamat po sa pagshare ng story. Alam mo po kung sino ka. Sana ay magustuhan mo at ng lahat ng mambabasa.

Itago nalang po natin ang ating bida sa pangalang K.

Si K po ay may kakayahan na makita ang future deaths ng tao. Hindi niya alam kung kailan ito mangyayari, ang nakikita niya lamang ay kung paano ang magiging kamatayan nito.

Nagsimula niyang maranasan ang kaniyang hindi malilimutang karanasan ng siya ay nasa elementarya.

Para mas madali po ang maging flow ng ating kwento ay ang mismong POV ni K ang gagamitin ko.

Heto po ang kaniyang kuwento:



Experince I

Elementary ako noon at mayroon akong isang kaklase na sobrang malapit sa akin. Talagang close kami sa isa't isa..

Isang araw, habang magkasabay kaming naglalakad bigla nalang akong nakakita ng isang pangitain ukol sa kanya.

Habang kami ay naglalakad, nakita ko  siyang nasagasaan ng isang truck.
Sobrang natakot ako simula noon, dahilan na lagi ko siyang pinapaalalahanan na palaging maging maingat.

Sumapit ang summer vacation, siya at ang kaniyang pamilya ay pumunta sa probinsiya para magbakasyon.

Buong akala ko ay okey lang ang lahat at walang masamang mangyayari o hindi magkakatotoo ang nakita ko since mga two weeks na ang nakakaraan ng makita ko ang pangitain.

Pero mali pala ang akala ko, nabalitaan ko nalang na ang buong pamilya nila ay nasagasaan ng isang 10 wheeler truck. Walang nakaligtas isa man sa kanila. Lahat sila ay namatay!..



Experience II

Nasa High school naman ako that time ng bigla kong makita ang teacher ko sa vision ko na nakahawak siya sa kaniyang dibdib.

Makaraan ang isang buwan ay nalaman namin na namatay siya sanhi ng atake sa puso.

Experience III

Nangyari ito taong June 2014. Nagtatrabaho ako sa Cebu ng mga panahong iyon bilang isang Call Center Agent. Mayroon akong kaibigan na mayroong problemang emosyonal.

Biglang nakita ko siya sa vision ko na nakahandusay sa lapag.

Pinayuhan ko siya na maging positibo at matatag sa kabila ng pinagdadaanan niya.

Pero noong buwan ng Agosto, nangyari ang hindi ko inaasahan..

Nagpakamatay ang kaibigan ko!

Sobrang nakakagulat dahil napakasayahin niyang tao. Palabiro at palangiti kaya talagang hindi ko inaasahan na magagawa niyang kitilin ang sarili nyang buhay.

Para po mas malinawan kayo sa nangyari sa kanya, please click the link:

https://m.inquirer.net/newsinfo/629895

Experience IV

Lately lang to nangyari..

Nakita ko s vision ko na nag bi-bleeding ang isang kasamahan ko sa trabaho.

Tapos nalaman ko na wala na siya...

Ayon sa mga kasamahan ko ay nagpalaglag daw siya..

A/N: Sa totoo lang ay hindi po madali ang ganitong kakayahan.. Yung tipong bigla ka nalang may makikita pero walang dahilan para ka makapagligtas o mapigilan kung ano ang mangyayari dahil hindi mo rin alam kung kailan ito mangyayari.
Sa mga mambabasa po, believe it or not. Yan lang po ang masasabi ko..

Enjoy nalang po ninyo ang pagbabasa.^_^
And wait for the next update.
Thank you..♥

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon