"Room 6"

10.5K 166 23
                                    


May isang mag aaral na palaging maagang pumapasok dahil isa siyang manlalaro, grade 6 student siya. Siyempre kailangan dahil maaga ang practice bago pa man sumapit ang bell. At isa pa ay hawak niya ang susi ng kanilang classroom.

06:00am, dumating siya sa paaralan, iginala nya ang kaniyang paningin  sa buong paligid. May mangilan ngilan naman siyang  nakita na mga kapwa estudyante niya pero sa ibang grade, siya palang ang grade 6 student na nandun.

Napagpasiyahan niya na  buksan na ang kanilang classroom para doon na tumambay habang hinihintay niya ang iba pa niyang mga kaklase. Pagpasok niya sa room nakita niyang gulo gulo ang mga upuan. Hinayaan lang muna niya yun at naupo muna habang nakikinig ng music sa  phone niya.

Nang hindi na siya makatiis sa magulong room ay napagpasiyahan na niyang maglinis. Kumuha siya ng walis tambo sa divan at nagwalis na...

Hindi pa siya nangangahalati sa ginagawa ng biglang may naamoy siyang hindi kanais nais.

Amoy malansa!..

Pero ipinagpatuloy niya ang pagwawalis sa pag aakalang mawawala din iyon. Ngunit habang tumatagal ay lalo namang palakas ng palakas ang malansang amoy na naaamoy niya at bigla nalang may malakas na kalabog sa gawing divan kaya nagulat siya at awtomatikong napalingon!

Gulat na gulat siya sa kaniyang nakita!

May babaeng nakalutang doon! nakasuot ng mahabang  puting damit. Ang nakakatakot pa don, punong puno ng dugo ang damit nito! Hindi niya makita ang mukha dahil nakatakip ang mahabang buhok nito sa mukha.

Dahil sa takot ng estudyante ay napasigaw ito ng malakas bago nawalan ng malay. Swerte namang may nakarinig sa kanya, isang edtudyante ng grade 5 na nagsisiga ng kalat sa gawing likod ng room.
Agad pinuntahan ang pinagmulan ng sigaw, at doon nakita nga yung grade 6 student na wala ng malay. Tumawag ito ng tulong..Agad nilang dinaluhan ang walang malay na estudyante, pinaypayan at pinainom ng malamig na tubig.

Nang magkamalay ito ay  hindi gaanong makausap ng matino, umiiyak lang siya ng umiiyak habang ikinukuwento ang nangyari sa kaniya.

Simula noon, natakot na siyang pumasok sa room ng walang kasama. Kung maaga man siyang pumasok ay sa labas nalang siya  tumatambay.

Dahil ayaw na niyang maulit ang nakakatakot na nangyari sa kaniya sa loob ng ROOM 6.

A/N: Thanks for reading!!
Go to the next story!
Enjoy!!!😊

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon