"The Rider"

4.4K 48 0
                                    

May isang binata na mahilig mangolekta ng iba't ibang klaseng sasakyan, katulad ng kotse, motor lalong lalo na yung malalaki at matataas n motorsiklo.

Sa lahat ng sasakyan niya, ang pinakapaborito niya ay ang kaniyang Big bike.

Kahit saan siya pumunta ay ito ang kaniyang laging sinasakyan. Kapag maglilibot at papasok sa kaniyang trabaho..

Sa araw~araw niyang pagbibyahe ay may isang partikular na lugar siyang nadadaanan.
Mapuno ang lugar na iyon na sa sobrang yabong ng mga ito ay talaga namang magdidilim na animo gabi na kapag nadaan ka doon..

Ayon sa sabi~sabi, dapat daw kapag nadaan ka doon ay magbigay galang ka sa pamamagitan ng pagbusina.

Ayon kasi sa mga naririnig niya, may mga rider na nakakakita ng babaeng nakaputi, ang iba naman ay may umaangkas daw sa kanilang sasakyan kapag nakarating na sila sa lugar na iyon, minsan ay may nakikita na nakabitin daw sa tuktok ng sanga ng puno. At ang pinaka nakakatakot sa lahat ay may mga naaaksidente pa sa lugar na iyon dahil din sa sinasabi nilang babaeng nakaputi..

Isang hapon, malamig ang simoy ng hangin.. Tahimik ang buong paligid, may pangilan ngilang nagdadaan din at wala siyang nakakasabay na hindi bumubusina, ngunit dahil likas na maangas ang binatang ito ay hindi talaga siya bumubusina.

Lingid sa kaalaman niya ay sa pagkakataong iyon niya mararanasan ang pangyayaring hindi niya inaasahan..

Marahan lamang ang patakbo niya sa kaniyang big bike sapagkat pasuba siya sa direksyon ng hangin... Tila itinutulak pa siya nito paatras sa sobrang lakas ng ihip at tila nagngangalit.

Kahit hapon palang noon ay talaga namang tila malalim na ang gabi dahil sa mayayabong na dahon ng mga puno.

Focused lang siya sa pagdadrive dahil baka mabuwal siya sa sobrang lakas ng hangin. Nang biglang...

May mahabang buhok na pumapagaspas na tumatama sa kaniyang mukha!...

Kung may angkas ka at pasuba ka sa  hangin,dapat ay palikod ang lipad ng buhok niya.. Pero bakit sa mukha nya tumatama ang buhok na iyon. At higit na nakapag bigay ng kilabot sa kaniya ay ang katotohanan na wala naman siyang kasama..

Kaya sino ang kasama niya ng mga sandaling iyon?...

Kahit kinakabahan siya ay hindi niya alintana, pinilit niyang maging mahinahon sa pagmamaneho dahil mas mahirap na kung maaaksidente siya..

Kahit gustong gusto niyang makita ang hitsura nito ay hindi na niya hinangad dahil baka nakakatakot ang hitsura nito..

Sa kalituhan niya ay napindot niya ang busina...

"beeep... Beeep!

At biglang nawala nalang ang buhok na humahampas sa kaniya...

Naisip niya na dahil siguro sa pagbusina niya kaya naglaho ang nakaangkas sa kaniya..
Baka binababalaan lang siya na kapag dadaan siya doon ay magbigay galang siya...

Kaya simula noon, sa tuwing dadaan siya doon ay hindi niya nakakaligtaan na
Magbusina.

Ayaw na niyang maranasan ulit ang nangyari sa kaniya sa daang iyon....


A/N: Thanks for reading...
Wait lang po sa next story...
Enjoy!!!😊😊

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Where stories live. Discover now