"Wedding Gown"

140 4 0
                                    

Wedding Gown


Sa isang baryo ay may nakatirang isang matipunong lalaki...

Bagay na bagay sa kaniyang propesyon sapagkat Isa siyang sundalo..

Buwanan ang uwi niya ng mga panahong iyon sa kanilang tahanan.

Nang minsang siya ay gabihin sa pag-uwi dala ng sobrang traffic...

Mga bandang alas otso y medya ng gabi ng bumaba siya sa kanto patungo sa kanilang bahay.

Pagkababa niya, bitbit ang kaniyang mga gamit ay nagsimula na siyang maglakad ng mabilis isang makarating agad sa kanilang tahanan dahil gustong gusto narin niyang magpahinga ng mga oras na iyon...

Habang naglalakad siya ay mayroon siyang natanaw na naglalakad ng mabagal lamang  mga ilang metro lamang ang layo sa kanya...

Mas lalo niyang binilisan ang paglalakad para sana may makasabay siya, pero habang lumalapit ang distansiya niya dito ay lumilinaw sa paningin niya ang nakita niya na naglalakad na nais niya sanang habulin..

Hindi ito isang tao, kundi isang Wedding Gown na lumulutang!!!

Napahinto siya sa paglalakad..
Natanaw na niya ang gate ng kanilang bahay, pero malinaw niyang nakita na lumiko sa kanilang gate ang Wedding Gown at sa isang kisap mata ay bigla nalang iyong naglaho sa paningin niya...

Hindi naman pader ang bakod nila kaya makikita niya sana, pero bigla nalang talagang nawala...

Hindi nalang niya inisip sapagkat pagod na talaga siya, tinulinan na niya ang paglalakad para makarating siya sa kanila.

Itinulog nalang niya ang kaniyang nakita... Pero sigurado siya sa kaniyang nakita, Wedding Gown na lumulutang talaga iyon..



-----------------------------------------------------------
Hi guys... sorry sobrang natagalan ang pag update ng story.
Sobrang dami ko pang gustong ishare na kwento pero sobrang busy din.
Pero kapag may time ako, pipilitin kong magsulat..
Hope u understand... Thank you and enjoy reading..😘😘😘

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Where stories live. Discover now