"Ang Babae sa Tabing-Sapa"

1.4K 25 25
                                    

Ang pamilya ni Kristine ay nakatira sa tabing sapa sa kanilang baryo. Walang ibang bahay doon maliban sa tahanan ng kanilang mga magulang at ng lolo at lola niya..

Nakatira sila ng nakababatang kapatid niya sa kanilang lolo at lola bagamat magkalayo lamang ng kaunti ang bahay ng magulang nila at ang bahay ng lolo at lola nila dahil alaga sila ng mga matatanda.

Sa harapan ng bahay nila ay may malaking malaking puno ng mangga na napakayabong ng mga sanga kung kayat kahit katanghaliang tapat ay malamig pa rin sa kanila.

Sa gawing tagiliran ng kanilang bahay bandang kaliwa naroon ang sapa na marami ding mga puno ng kawayan.

Maayos naman ang buhay nila kahit na malayo sa mga kabahayan at sa pamilihang bayan ang kanilang lugar.
Araw araw naman ang lola nila sa palengke dahil nagtitinda ito ng mga gulay na sila mismo ang nagtanim. Habang ang kanilang lolo at mga magulang ang umaasikaso sa kanilang bukid.

Tahimik naman ang kanilang pamumuhay doon dahil wala namang mga taong nanggugulo sa kanila maliban lamang sa mga pagtatahulan ng mga alaga nilang aso madalas tuwing hating gabi. Ang masama pa nito ay hindi lamang pagtahol kundi may kasama pang pag alulong.

Natatakot silang magkapatid dahil don ngunit kapag sinasabi naman nila iyon sa mga kasama nila ay wala lang daw iyon lalo na kapag ang lolo nila ang nakausap nila. Sinasabi nito na huwag nalang daw nilang pansinin.

Isang araw ginabi ng uwi si Kristine dahil naanyayahan siyang dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan kaya hindi niya ito natanggihan. Ipinagpaalam pa kasi siya nito sa kanila at nangako na ihahatid siya ng mga ito pag uwi. At pinayagan naman
siya.

Alas otso na ng hinatid siya ng kaibigan niya.
Huminto sila sa tapat ng bahay nila pero dahil maglalakad pa siya sa pilapil para makarating sa mismong bahay nila ay hindi na siya nagpasama pa sa kaibigan niya. Pinauwi narin niya ang mga ito dahil kaya naman niya at isa pa ay malayo layo pa ang mga ito sa uuwian nila kaya hindi narin nagtagal ang mga ito at umalis na.

Ilang sandali pa ang pinalipas niya ng magpasya siyang simulan na ang paglalakad sa pilapil.

Habang naglalakad siya ay may naaninag siya na isang aso, nasa tabiito ng puno ng mangga. Panatag naman siya dahil alaga naman nila iyon. Ngunit habang papalapit siya ay papalaki ng papalaki ang aso. Sobrang laki nito at itim na itim ang kulay.

Kinabahan siya dahil wala naman silang alaga na ganun kalaki. Napansin pa niya na nakatitig ito sa kaniya at pagkalaki laki ng mga mata nitong kulay pula.

Dahil doon ay nagtatakbo na siya. Hindi na niya alintana kung magkandarapa man siya at madumihan ang kaniyang buong katawan, ang mahalaga lang ay makapasok siya sa kanilang tahanan.

Pagdating niya sa bahay ay nagmamadali siyang kumatok.
Mabuti at gising pa ang mga matatanda pati na ang kapatid niya at agad siyang napagbuksan ng pinto.

Bago siya pumasok ay lumingon pa siya sa kinalalagyan ng aso ngunit wala na ito doon. At parang pakiramdam niya ay noon lamang siya nakahinga ng maluwag.

Nagtataka sa kaniya ang kaniyang mga kasama kung bakit napakadumi niya kaya nanginginig pa siya na ikinuwento ang nangyari.

Lumabas naman ang lolo niya para tingnan ang sinasabi niya dala nito ang gulok nito ngunit wala raw itong nakita ayon dito ng magbalik ito.

Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos ng gabing iyon..

Lumipas ang mga araw at hindi naman na niya nakita ang nilalang na iyon kaya napanatag na siya. Inisip nalang niya na baka naligaw lang doon ang asong iyon.

Isang gabi, bandang alas siete kumakain sila ng hapunan ng biglang mawalan ng kuryente kaya nagsindi ng gasera(yung may takip para hindi mamatay sa hangin) ang lolo nila.

Patuloy sila sa pagkain. Bale ang ayos nila: magkatabi ang lolo at lola nila sa upuan at nakatalikod ang mga ito sa nakabukas na bintana, sila namang magkapatid ang magkatabi paharap sa lolo at lola nila kaya nakaharap naman sila sa bintana kaya kita nila ang tanawin sa labas.

Patuloy sila sa pagkain ng biglang mapahinto silang magkapatid dahil may nakita silang babaeng nakaputi na lumulutang! Mabagal lamang ang paglutang nito kaya kitang kita nilang dalawa.

Mahaba ang makintab ang itim at unat nitong buhok na tumatabing sa mukha nito kaya hindi nila makita ang hitsura nito. Medyo nakalitaw lamang ang leeg nito at tingin nila ay napakaputi nito. May nakita din silang nakasabit na kuwintas sa leeg nito at talagang napakakinang niyon.

Hindi nila mapigilang ituro ito sa matatanda. Subalit pagalit na sinasaway sila ng lolo nila at ang sabi ay huwag iyong pansinin. Hinampas pa nga ang mga hintuturo nilang nakaturo doon.

Sabi ng lolo nila, hayaan nila ang mga ganung nakikit nila lalo at kung di naman sila sinasaktan. Ayon pa dito ay madalas din nitong makita ang babae sa tabi ng sapa sa may kawayanan pero hinahayaan nalang daw niya.

Pero para kay Kristine ay nakakatakot iyon. Paano kung sa biglang pagdilat niya sa kalagitnaan ng pagtulog niya ay bumungad sa mga mata niya ang babaeng iyon o di naman kaya ay yung asong malaki. Ano nalang ang gagawin niya.?.....




A/N:Thanks for reading po.
Just wait for the next update.
Enjoy^_^

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Where stories live. Discover now