"Ate"

3.1K 43 0
                                    


Si Kris ay bunso sa apat na magkakapatid, ang sinundan niya ay nag-iisang babae  sa kanilang apat.

Ang ate na lamang niya ang walang asawa sa kanilang lahat. At kasama nila ito sa bahay at ang kanilang ama at ina. Nakasuno kasi silang mag-asawa sa kanilang magulang dahil hindi pa tapos ang bahay na ipinapagawa nila.

Madalas sa kwarto nila ang kaniyang ate dahil may teleserye itong sinusubaybayan sa gabi at nataon naman na nasira ang TV  na nasa salas. Tamang tama naman na ang paborito nitong palabas ay nataon na nagsisimula kapag dumarating ito galing sa trabaho. Pagkatapos naman ng palabas na iyon ay lalabas narin ito para gawin ang iba pang bagay at pagkatapos ay magpapahinga narin ito.

Isang gabi, natapos na ang pinapanood ng ate ni Kris kung kaya lumabas na ito sa kanilang kwarto. Maaga rin silang nakatulog ng kaniyang asawa,at talaga namang mahimbing na mahimbing, ang katunayan niyon sila ay naghihilik pa!


Alas tres ng madaling araw ng biglang maalimpungatan si Kris buhat sa mahimbing na pagkakatulog dahil tila ba may gumigising sa kaniya. Kahit hindi niya maidilat ang kaniyang mga mata ay pinilit niya dahil may kakaiba siyang nararamdaman.


Napakalamig ng kaniyang pakiramdam ngunit hindi naman nila pinaandar ang electric fan kagabi at sarado din ang mga bintana at pinto sa kanilang kwarto. Ngunit bakit daig pa niya ang parang nasa loob ng freezer  ng mga sandaling iyon? Pakiramdam niya ay nanginginig at naninigas ang kaniyang buong katawan sa lamig na nanunuot sa kaniyang kalamnan.

Kinapa kapa niya ang kumot ngunit hindi ito matagpuan ng kaniyang kamay kaya pinilit na niyang bumangon sa gitna ng kaniyang sobrang pagkaginaw.

Inot inot siyang bumangon hanggang magtagumpay siya ngunit laking gulat niya ng isang babae ang nakita niyang nakaupo sa paanan ng kanilang kama.

Dahil hindi naman siya likas na matatakutin at wala sa isip niya ang mga ganong bagay  ay inakala niya na ang ate niya lang iyon.

Ang hitsura nito; mahaba ang itim at tuwid nitong buhok na hanggang baywang, maputi at makinis ang balat nito, at nakasuot ito ng itim na dress na spaghetti strap.

Wala itong kakilos kilos sa pagkakaupo at tila nakayuko ito kaya tinawag ni Kris ang pansin nito.

"Ate, madaling araw na a! Manonood ka ba? Nakakagulat ka naman! ang sabi niya dito, ngunit hindi siya pinapansin nito.

Kinausap parin niya ito kahit hindi ito sumagot sa unang tanong niya at tinanong niya pa kung ano ang naisipan nito at manonood pa ng ganoong oras subalit hindi parin ito sumasagot kaya naisip niya na baka nakatulog na ito dahil nakayuko.

Kaya hahawakan niya sana ito sa balikat para gisingin nang bigla itong humarap sa kaniya! Napasigaw siya ng malakas dahil wala itong mukha! Tila isang drawing na tao na binura ang mga mata, ilong at bibig nito!

Nanayo ang kaniyang mga balahibo sa nakita niya at lalo pang nanlamig ang kaniyang pakiramdam.

Dahil sa kaniyang pagsigaw ay nagising ang kaniyang asawa at tinanong siya nito kung ano ang nangyari. Itinuro niya ang lugar kung saan niya nakita ang babaeng walang mukha habang nakayuko ngunit wala namang makita ang asawa niya.

Tumayo ito at kinuhanan siya ng tubig para kumalma siya at pagkatapos ay itinanong nito kung ano ba ang nangyari sa kaniya.

Ikinuwento niya dito ang nakita at natakot din ang kaniyang asawa kasi minsan minsan daw ay may parang nararamdaman siyang tao sa paligid lalo na kapag nasa CR siya pero wala naman. Minsan ay parang may naglalakad sa paligid ng Cr pero pag tiningnan niya ay wala naman.

Nagising din pala ang mga kasama nila sa bahay dahil sa pagsigaw niya. Pumunta ang mga ito sa kwarto, isa na doon ang ate niya pero hindi naman itim ang suot nitong damit.

Ikinuwento niya rin sa mga ito ang nakita niya. Pero buhat naman ng mangyari iyon ay hindi na ulit niya nakita ang nilalang na iyon na siyang ipinagpapasalamat ni Kris.



A/N: Thanks for reading guys! Pasensiya na po sa matagal na update, medyo busy these past few days.. Pipilitin ko na makapag update ng madalas. Enjoy!!!


The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Where stories live. Discover now