"Ayos lang, naiintindihan ko ang galit mo" ngumiti ito, niyakap ko siya at doon sa balikat niya ako'y umiyak.

Ayumi's POV

"Sabihin mo na, apo" ani ni Lolo.

"Lo.." umiiyak akong tumingin sa kaniya "Si Sheena..." natigil ako magsalita. "She is Claudine. Tita Riza and Tito Jed's real daughter." sambit ko.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa amin?" tanong nito.

"I just knew it a week ago. Nalaman iyon ni Tariata kaya pinagbantaan niya ako na huwag ko munang sasabihin kung hindi ay may mangyayari sa pamilya natin, natakot ako Lolo... Pero hindi ko alam na gagawin niya ito" masama akong tumingin kay Lorina.

"Uto-uto ka kasi" tumawa ito.

"Tama na, Tariata! Tumigil ka na!" asik ng kapatid niya.

"Kahit anong gawin mo, at kahit alam ko na ngayon ang totoo hinding hindi mapupunta sayo ang yaman ng apo ko, dahil sisiguraduhin naming mabubulok ka sa kulungan!" sigaw ni Lolo sa kaniya.

"Hindi! Hindi maaari! Dapat sa akin ang yaman dahil nararapat iyon sa akin!" may nilabas siyang baril at tinutok kay Lolo.

"No! Don't do that!" umiiyak na sigaw ko. Sa akin niya naman ibinaling ang baril, nakaramdam ako ng matinding takot.

"Huwag na huwag mong sasaktan ang apo ko!" sigaw ni Lolo.

"Oh talaga ba tanda?" ngumisi ito. Nakita ko na unti-unti nang ibinababa si Lolo. "No! Stop it! Huwag niyong ilubog ang lolo ko!" sigaw ko.

"Ibibigay niyo ba ang yaman sa akin o hindi?!" sigaw ng babae. "Ang tagal kong naghirap kay Sheena! Marapat lang na sa akin ibigay ang yaman!" sigaw niya pa.

"Hindi mangyayari yon!" sigaw ni Lolo.

"Huwag!" sigaw ko. Mabilis akong tumayo at itinulak si Tariata. Tumakbo ako palapit pero napaluhod din nang barilin niya ako sa kanang hita ko.

"Agh!" I groan

"Paano ka nakawala?!" gulat nitong tanong. Ngumisi ako. "Hindi mo ako kilala, Tariata" sambit ko.

Mabuti na lang at natandaan ko pa ang itinuro sa akin ni Tito Alvin kung paano makawala sa ganoong pagkakatali.

"Kunin niyo yan!" sigaw niya. Lumapit iyong Bunny at Lucky sa akin.

"Tumigil ka na! Huwag ang apo ko!" sigaw ni Lolo.

Babarilin niya ulit ako pero sa hindi inaasahan ay biglang tumakbo ang kapatid niya at siya ang nabaril nito.

"A-Ate..." gulat siyang napatingin sa kapatid niya.

"Tama na, Tariata.. Tumigil ka na... Hindi ikaw iyan, bumalik ka na sa dati..." nahihirapang sambit nito. Umiling ang babae at masamang tumingin sa akin.

"Kasalanan mo 'to!" sigaw niya sa akin at saka ako pinagsasampal. Nagawa niya rin akong suntukin sa mukha, sa tiyan at sa iba pang parte ng katawan ko.

Ramdam ko na ang panghihina. Pagod na pagod na ako, pagod na pagod na ang katawan ko pero wala akong magawa.

Nahihilo na ang paningin ko marahil sa mga dugong nawawala sa akin. Nagigising ang diwa ko kada maririnig ko ang sigaw ng Lolo ko.

"I'm sorry, Lolo..." I whispered before it went black

Enzo's POV

Galit ang nararamdaman ko ngayon. Masakit makita na nakahilata ngayon ang pinakamamahal mo habang may nakasalpak na oxygen sa kaniya.

Nangilid ang mga luha ko nang maalala ko kung ano ang dinatnan namin kanina. Maraming dugo ang nawala sa kaniya dahil sa ginawang pagbaril rito.

Hindi ko mapapatawad ang babaeng iyon.

"Who is the family of the patient?" the Doctor asked.

"I'm her mother and it's my Dad, Doc! Kumusta ang anak at Daddy ko Doc?" umiiyak na tanong ni Tita sa kaniya.

"She's fine now, same as with Mr. Delo Santos. They just need rest. They're okay, all you guys have to do is to wait for them to wake up" she smiled.

"Thank you, Doc" sambit ni Tita.

Inilipat na rin sa private room ang Lolo ni Ayumi pati na rin siya. We will just have to wait, nakaupo ako ngayon sa kama ni Ayumi while holding her hand.

"Wake up, love..." I whispered.

Umuwi na ang ilan sa amin, pati na rin sina Abby dahil pagod ang mga ito. Even our parents went home to take a rest.

"Enzo.." napalingon ako nang tawagin ako ni kuya JC "Umuwi ka na din muna, magpahinga ka" aniya.

"Mas makakapagpahinga ako kapag kasama ko si Ayumi" ngumiti ako ng tipid.

"Hindi magugustuhan ng kapatid ko kung hindi ka muna magpapahinga" aniya pa.

"Maiintindihan niya naman ako. Tsaka okay lang ako, mas gusto kong nasa tabi niya lang ako. Mas gusto ko na kapag gising niya ay nandito ako" ngumiti ako habang tinitignan si Ayumi.

"Oh siya sige, lalabas lang ako at bibili ng pagkain. Pabalik na din sina Mom and Dad. Make sure to take some rest" aniya pa at saka ako tinapik sa balikat.

I kissed the back of her hand. Paulit-ulit ko iyong ginagawa hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising lang ako nang dumating sina Tita at Tito, sinabihan din nila ako magpahinga but I refused. Dumating din agad si Kuya JC kaya naman ay nakakain na din ako.

Umuwi muna si Tito para kumuha ng kaunting gamit sa bahay. Babalik na lang daw siya, si Tita Arianne ay naiwan at kasalukuyang nakahiga ngayon sa couch, natutulog pansamantala.

Dumaan pa ang mga oras, nakabalik na din naman si Tito at sinabing aalis muna siya dahil may kailangan pa siyang gawing trabaho, tatapusin niya lang daw at babalik din agad.

Hinayaan ko lang na matulog si Tita Arianne para makabawi ito ng tulog. Maya-maya ay nakaramdam din ako ng antok kaya naman ay umidlip muna ako.

Kinabukasan ay maaga ako nagising, tulog pa rin si Ayumi. "Good morning, hijo" bati ni Tita Arianne sa akin.

"May breakfast na dito. Kumain ka na lang. Pupunta lang ako sa Daddy ko" ngumiti ito.

"Sige po, thank you Tita" sambit ko. Ngumiti lang ito bago lumabas ng kwarto ni Ayumi. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ng almusal ay pumasok ang tatlo kong kaibigan.

"Oh, hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Joshua.

"Hindi pa" sagot ko naman.

"Saan ka natulog?" tanong ni Naftali.

"Sa tabi ni Ayu" sagot ko ulit. Tumango lang sila. Maya-maya ay dumating din sina Abby.

"Hey guys, I bought foods" sambit nito. Kumain lang ulit kami.

"Pasensya na talaga kayo sa nangyari" biglang sambit ni Sheena.

"Hindi mo naman kasalanan iyon, kasalanan ng Mama mo iyon" si Brent. Ngumiti lang siya ng tipid.

Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain. Hanggang sa "Bakit ang ingay?" dinig ko salita ni Ayumi. Napalingon kami sa kaniya at nakabangon ito habang iritableng nakatingin sa amin.

Kahit na may band aid siya sa mukha ay ang ganda niya pa rin.

•~•

thank you guys! ♡♡♡

Perfect Match; FBIIJOG: Book 2Where stories live. Discover now