Chapter Eight and Nine

Start from the beginning
                                    

*Cought* *Cought*


Bigla akong naubo sa sinabi nya. Alam mo yung feeling na wala ka namang iniinom o kinakain tapos bigla kang mabubulunan sa sarili mong laway? Ansaket nun.

"Oh bakit..?" Sabi nya habang hinahagod yung likod ko. "Siguro naalala ka ng anak ko."

Anong sabi nya 'APO'? kung makapag demand naman pala yung nanay nya parang totoo yung kasal namin. >.<

"Ehem.. Ahmm.. Mama sa totoo lang po.. Hin--"

"Okay! were already here iha." Biglang huminto yung kotse sa isang malaking gusali. "Ano nga palang sinasabi mo iha?"

"Wala po yun."

"Okay then, lets go."

Nagpunta kami sa isang mall. Ang laki pal talaga ng mga mall nila dito. Sa amin kasi yung mga mall doon one fourth lang ng mall na to'. Dito ba yung sinasabi nyang relaxation and make-over? mukhang hindi naman ako makakapag relax dito.

"Lorraine come here.."

Lumapit ako sakanya. "Bakit po mama?"

"Ay sino po sya madam" Sabi nung bakla na naka tingin sakin. Bakit ganito sya makatingin sakin?? Parang hindi sya makapaniwala na kasama ako ni mama. "Sya po ba yung future daughter-in-law nyo?" Dagdag pa nya.

"Yes. Ikaw na muna yung bahala sakanya ha. I will just go there. Lorraine sya si Jena sya yung pipili ng mga damit mo and sya din yung mgatuturo sa'yo kung paano mag ayos."

"Sige po." Tapos umalis na sya.

"Hi madam.. Ang swerte mo noh biruin mo si sir Kyle yung mapapangasawa mo. Sabihin mo nga sakin.."

Linapit nya yung mukha nya sakin at ako naman nakatingin lang sakanya at inaabangan yung susunod nyang sasabihin.

"Anong gayuma yung ginamit mo? gusto ko ring bumili nun."

"Ano?" Bastos tong bibig ng bakla na to ah.

"Joke!"

Tapos nag peace sign sya at hinila nya na ako papunta doon sa mga damit. Mukha ba kong mangkukulam para sabihin nya yun?? tignan mo nga yung istura nya, kulang na lang sakanya walis tambo at ililipad na sya nun.

"Dahil maputi ka hmm.." Pumipili sya ng mga damit na babagay sakin. "Lahat ng kukunin ko isukat mo ha?"

"Sige."

"Pili ka din ng gusto mong style chaka mga shoes and bags na gusto mo marami kami dito."

"Puro dress lang ba talaga yung mga binebenta nyo dito?" Sabi ko habang nagtitingin tingin ng mga damit.

"Hindi naman meron din kaming mga blouse, skirts, short and jeans." Sagot nya.

"Aah.."

Iniwan ko na muna sya habang namimili sya ng mga dress at pumunta ako doon sa mga damit damit. Ang dami nyang kinuhang mga dress siguro mura lang dito kung makakuha kasi sya ng damit parang buy one take one eh. Kinuha ko yung isang blouse na color white ang cute eh.

"Haah?!!"

Totoo ba to? Pagka-kita ko dun sa presyo ng damit binalik ko kaagad kung saan ko kinuha. Pano ba naman ang mahal mahal, ganun lang.

"Oh naka hanap ka na?" Sabi nya sakin nang balikan nya ako.

"Ah.. Ano kasi.. Ahm.."

"Ano? Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo."

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now