Pinaglalaruan na naman ba niya ako?

All this time his the one who sold our house?

Bakit ni hindi man lang niya sinabi?

"Alvarez?" tumango ito, hindi ko maiwasang lumapit at hampasin ang lamesa niya. "You are mr'alvarez?"

"Yes.."

"D*mn, Are you playing with me again, miguel?!"

"No, luna.." tumayo ito, lumapit sa' kin at agad akong hinawakan. "Hindi kita pinag-lalaruan.."

"Tsk, let me go!" binawi ko ang kamay, Nakakainis! bakit ni hindi niya sinabi ang lahat?

"Ibabalik ko ang bahay niyo luna, Sa' yo 'to, Sa inyo.."

"Are you out of your mine?!" I hissed, A little bit shouted "You paid almost a million, miguel.."

"I did this for you, hindi mo tinanggap ang alok 'kong tulong noong panahon na iyon, Sa tingin mo, anong gagawin ko?"

"Miguel naman.."

"Hey, its okay.." pilit niya akong inaalo sa haplos, naiiling ako sa bagay na ginawa niya, ano na lang ang sasabihin ng magulang nito sa oras na malaman nila? Nakakahiya, Nahihiya ako sa mga oras na ito.

Lahat ng perang ginamit namin ay sa kanya lang nanggaling, lahat ng gastos, Lahat lahat.

"Babayaran kita, May pera ako rito.."

"No, your not going to do that.."

"Gagawin ko ito dahil sa kasulatan, Nasaan iyong kontrata?" hindi maaaring patas lamang ang mangyayari, kahit na siya pa ang nakabili ay hindi pweding libre lahat, ayoko ng ganoong bagay. Ayoko iyong meron masasabi ang pamilya niya sa' kin, kahit sabihin pa nating kagustuhan iyon ng anak nila.

"Fine, If you want to take the cost, Its up to you.." nagtungo itong muli sa pwesto, hinila niya ang drawer at doon may kinuhang papel, "Hindi ka ba tatawad?"

"What the h*ck, tatawad?"

"Yeah, Bibigyan kita ng presyo, Iyong presyong kasintahan O 'yung presyong asawa.."

"Anong asawa?!"

"Tsk, Your still have that attitude.." naiiling siya, pero nakangiti ng i-abot niya ang papel. Syempre binasa ko muna iyon, Malay ko kung ano na lang bigla ang ibigay niyang papel sa' kin.

"What is this?"

"Papel.."

"Alam ko, Ang tinutukoy ko iyong laman nito, bakit certificate sa marriage ang narito?" nagkibit balikat ito, parang wala man lang sa kanya ang nangyayari.

"Pirmahan mo iyan, Sa' yo na itong bahay, Pati iyong bahay ko ay sayo na rin, lahat ng pag-aari ko sa' yo, maging ako ay mapapasayo.."

Hindi ko alam kung nanaginip ako o nagdedeliryo pa rin ako sa lagnat, Hindi ako makapaniwala sa lalakeng kaharap 'kong ito, Bakit bigla yata ay naging mas matamis ang pananalita niya?

O baka sadyang malala na talaga siya.

"Bakit ko pipirmahan ito kung iyon pala ang rason? Pinagmumukha mo pa akong pera at bahay.."

Tumayo siyang muli, halatang aaluhin na naman ako dahil sa tinuran ko.

"Its that not what I mean, luna..."

"Ano?"

"Kung ayaw mo ng lahat, Edi ako na lang.." malakas na hampas ang nai-gawad ko rito, natatawa pa siya at ni hindi man lang ininda ang ginawa ko.

"Napakalandi mo talaga, Ganyan rin ba ang sinasabi mo sa empleyadong babae?!"

"Sinong empleyado?"

Sinamaan ko siya ng tingin "Huwag ka ng mag maang-maangan miguel, wala ka naman amnesia!"

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now