SEASON II:: Chapter 21

Start from the beginning
                                    

I felt a warm hand tugging my chin hanggang mapatingin naman ako sa kanya. I grinned at her na ikinapagtataka niya naman. "So, nakikigaya ka na rin?"

"Hmm.. pwede." I frowned.

"Anong pwede?"

She giggles na ikinapagtaka ko naman ngayon. "Anong tinatawa-tawa mo jan?" I tried to sound annoyed pero hindi naman effective dahil natatawa pa rin siya.

Sa dumaang isang taon, marami nang nagbago. Lalong-lalo na sa babaeng ito na ngayon ay nakahawak na sa tiyan niya, still trying to suppress her laughter. Tsk, mamaya kabagin siya niyan bahala siya. Ako, tinatanong niyo kung anong nagbago? Eto, single pa rin.. hangga't hindi ako sinasagot ng babaeng ito.

Yep, the past year, nililigawan ko na siya. Hindi kasi siya pumayag na maging instant girlfriend ko siya eh. When I asked her, ang sagot niya: 'Kung gagawin nating instant ang lahat, baka instant lang din tayong maghiwalay. I heard kasi sa mga pinsan ko na ang maling simula ng relasyon ay hindi magtatagal at mali rin ang kababagsakan. Gets mo?' Oh di ba, nganga?

Napanganga talaga ako sa reason niya na yan, dahil bukod sa siya si Kayla Marien, hindi ko rin akalain na may ganyan pala siyang iniisip. One time, I teased her about being hopeless romantic kaya lang siya cold and distant sa ibang tao, at ang nangyari? Naku, ayoko nang mangyari pa in the near future... why, you ask?

One week lang naman niya akong iniwasan at talagang walang pansinan, kibuan nun! Natiis niya talaga ako ng ganun! Kaya hindi ko na uulitin pa yun. Lesson learned kumbaga. Huwag na huwag paiinitin ang ulo ng isang Kayla Marien.

"Oh? Natahimik ka na jan?" Tumigil na pala siyang tumawa.

"Wala. Lika na nga, baka hinahanap ka na nung mga yun. Atleast na-solo muna kita ng isang oras bago ka nila solohin." I heard her mumble things so I faced her.

"Anong sabi mo?"

"Wala ah. Mabuti pa nga umalis na tayo.. tayo nalang ata dito sa buong building ng college eh?"

Inayos muna namin ang mga bag namin. Nauna ako kaya hinintay ko nalang siya sa pinto. Nung nasa harap ko na siya ay hinawakan ko agad ang kamay niya at nag-start na kaming maglakad.

"Namumuro ka na ah.. hindi pa nga tayo kung makahawak ka jan.." -Kayla

"Bakit? Masama bang hawakan ang malapit ko nang maging property?" Reason ko.

"So, property mo lang pala ako? Isang bagay ang turing mo sa akin? Tss.. bitaw nga" hinihila na niya yung kamay niya pero lalo ko yung hinigpitan kaya wala siyang nagawa.

"Tss.. nakalimutan ko, wala ka nga palang sweet bones." Bulong ko.

"Ano!?" Naku! Narinig pala.

"Ang ibig ko kasing sabihin doon.. malapit na kitang maging property! Akin. Mine and mine alone. You know, I don't share what's mine.." Then I looked in her eyes.

Matagal rin kaming nagkatinginan at aware ako na namumula na naman siya pero this time sinasalubong na niya ang mga titig ko. Nalipat naman bigla ang tingin ko sa labi niya na kahit walang lipstick ay pinkish ito at parang nalulunod na naman ako sa pagtingin at unti-unti na akong nakakalapit at gusto ko nang maramdaman ang lambot nito against mine. Mukhang wala naman siyang tutol kaya itinuloy ko lang ang paglapit..

"RODNEY!! Ay!-- Sorry sa istorbo!"

Agad kaming naglayo ni Kayla sa isa't-isa at iniwanan na niya ako doon at lumapit na siya kila Mami. Tinignan ko pa sila ng masama at ang ginawa nilang dalawa ni Berry? Tsk, they stick their tongue out. Damn those girls! >_<

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now