CHAPTER 40

107 6 0
                                    

Habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong napapamahal kay Shawn katulad noon. Hindi ko na maipaliwanag yung saya ko kapag nakikita ko sya. Masaya ako, masaya ako sa kung ano ang meron kami ngayon.

"Eli? Eli! Eli putangina, tulala ka na naman dyan!" Narinig kong sigaw saakin ni Chloe habang paikot ikot ako dito sa swivel chair ko at may iniisip habang nakangiti. Masaya lang ako. "Ano bang iniisip mo, ha?!"

"Ha? Wala naman, papers lang" Sagot ko kahit hindi naman yon ang iniisip ko.

"Hay nako, Chloe. Matagal kang nawala kaya sasabihin ko na sa'yo" Lumapit si Mia sa kanya. "Feeling ko nag kabalikan na sila ni Shawn" Napatingin ako sa kanya.

"Hoy, hindi pa, no!" Sigaw ko sa kanila at umayos ng upo. Napahampas na lang ako sa noo ko nang madulas sa sinasabi.

"Pa? Omg!" Hinampas ako ni Chloe. "Really huh, mag kakabalikan na kayo"

"Manahimik nga kayo" Saway ko sa kanila dahil nangaasar ang mga tingin nila.

"Pupunta ba sya dito mamaya sa office mo?" Tanong ni Chloe. Tiningnan ko muna yung oras.

"Oo, malapit na yon" Sabi ko at tinuloy na lang yung pag checheck ng mga files.

"Ay wow, palagi bang pumupunta dito?" Tanong ni Chloe. Tumango si Mia.

"Oo, palaging pumupunta dito si Engineer kaya nga napansin ko yun eh" Tumawa si Mia at umupo na sa sofa.

"Heh!" Sigaw ko at umikot sa swivel chair. Tinawanan na lang nila ako. Maya maya ay bumukas yung pinto, nakita ko naman si Shawn doon na papalapit saakin.

"Hi Eli" Bati nya at ngumiti. Ngumiti din ako. Lumapit sya tsaka hinalikan ang noo ko.

"Nucks may pa kiss" Sabi ni Chloe. Napalingon naman si Shawn doon at mukang hindi nya napansin kanina sina Mia sa sofa.

"Oh, Hi girls" Bati nya sa mga kaibigan ko.

"Hello!, Papagawa ka ng bahay?" Tanong ni Mia.

"No--"

"Ayaw nya ng bahay lang, ang gusto nya kasama si Eli doon" Sabi ni Chloe at may pangiti ngiti pang nalalaman.

"Ewan ko sa'yo" Sabi ko na lang. Kanina pa sila nang aasar ni Mia.

"Kayo?, Kailan kayo mag babalikan ni Zaiden?" Tanong ko sa kanya. Natahimik naman sya, she bit her lip. "Hey, I'm asking you"

"Ha? Wala akong naririnig" Sabi nya kasabay ng pag iling.

"Kailan flight mo?" Tanong ni Mia at mukang sinusubukang padulasin sa sinasabi si Chloe.

"Bukas" She replied. Akala ko ba walang naririnig?

"Kailan balikan nyo ni Zaiden?" Panimula ko ulit.

"Pakyu, bahala ka nga dyan" Tinarayan nya ako. Natawa lang ako at lumapit kay Shawn. Bigla nya akong hinatak kaya napaupo ako sa legs nya.

"Hey!" Saway ko sa kanya.

"Ay, sakit sa mata" Tumayo si Chloe at umalis.

"Labas lang kami" Ngumiti si Mia. "Kung gagawa kayo ng kababalaghan, wag sa desk ko ha" Paalala nya at nilock pa yung loob ng door knob. Tumingin ako kay Shawn.

"Have you eaten?" Tanong nya. Umiling ako.

"Tinapos ko lang yung pag checheck" Sabi ko at tumayo papunta sa desk ko. Maya maya ay nakaramdam ako ng pagyakap mula sa likod ko. Natutuwa ako tuwing ginagawa nya ito. Ginagawa nya ulit saakin.

"Eli, you think we are back together?" Mahinang tanong nya.

"Court me again, I will answer you on my birthday" Parehas kaming natawa sa sinabi ko. "I'm just kidding"

Something Into Your Smile जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें