CHAPTER 18

71 13 1
                                    

"Sige na, bye!, take care!" Sabi ni Chloe at tumakbo na paalis.

"Bakit parang nag mamadali yon?" Tanong ni tanya habang sinusundan namin ng tingin si Chloe.

"Ewan ko din, noong isang araw din, ganon sya" tumawa ako. napailing nalang ako at ibinalik yung tingin sa ginagawa kong plates.

"Bukas na yung birthday mo, happy birthday!" Bati nya saakin.

"Thank you" I smiled. hindi naman talaga ako masaya. pakiramdam ko ay palaging may kulang.

"Bukas na yung laban ng AU diba?" Tumango ako. Iniba yung schedule ng laban dahil may na injured daw sa training nina Shawn kaya naman pinahinga muna nila yung ka team nila. maayos naman na daw si James kaya pwede na syang ilaban bukas.

"Oo, final training na nila ngayon" niligpit ko na yung gamit ko at tumayo.

"Pupuntahan mo sya no?" Mapang asar syang ngumiti saakin.

"Oo, kaya Ikaw, umuwi kana" tumawa sya at tumayo na din. "Susunduin ka ba ni James?" napatingin sya saakin at ngumiti.

"Uh, oo, hihintayin ko nalang sya" tumango ako at umupo muna. "Hey, puntahan mo na si Shawn"

"Hintayin natin yung boyfriend mo" huminga sya ng malalim at umupo ulit.

"Eli, I'm okay, puntahan mo na si Shawn"

"Bawal iwan yung buntis" tumawa sya. ilang minuto pa kaming nag hintay doon pero wala pa yung boyfriend nya. "Susunduin ka ba non?"

"Uh, sabe nya malapit na sya" tumingin ako sa relo ko. "Pumunta kana sa court, kanina pa nag sisimula yung final training nina Shawn" ngumiti sya. tumayo ako at kinuha yung gamit ko tsaka lumapit sa kanya.

"Hahatid na kita, mukang hindi kana susunduin ni kevin" kinuha ko yung gamit nya.

"Eli--"

"Tara na" I smiled. sumunod nalang sya saakin hanggang sa makarating sa car ko.

"Kaya kong umuwi, Eli. go to shawn"

"Hindi na" nag drive na ako papunta sa condo nya. "Sigurado kaba talaga dyan sa boyfriend mo, tanya?" nag dududa talaga ako doon eh.

"W-what do you mean?" Tumingin ako sa kanya saglit at nag drive ulit.

"Duda ako" inihinto ko na yung kotse dahil nandito na sa tapat ng lobby ng building.

"Huh?, I'm sure with him, Eli, don't worry" he smiled. tumango nalang ako. "Take care" bumaba na sya at pumasok sa building.

Pumikit muna ako dahil doon sa tanong ko. bakit ko ba tinanong yon? nag drive nalang ulit ako pabalik sa university. nag park ako at bumaba na doon. tumakbo na ako papunta sa court. nakita kong palabas doon si zaiden at nakasuot pa ng jersey.

"Uy eli, pre!" tumakbo sya palapit saakin.

"Hi, nandyan pa si shawn?" tumingin sya pabalik sa court.

"Wala na sya dito, umalis na kanina pa" tumango nalang ako. "Si Chloe?"

"Nag madaling umalis kanina, akala ko nga kasama mo sya" kumunot yung noo nya.

"Saan daw pupunta?" Nag kibit balikat ako.

"Hindi ko alam, eh si Shawn?" Nag kibit balikat din sya.

"Kasama nya si iris" natigilan ako. saan sila pumunta? ngumiti nalang ako.

"Sige, salamat" tumalikod na ako at bumalik nalang sa kotse ko. binuksan ko yon at umupo doon. kinuha ko yung phone ko para i messaged sya sa ig. online naman sya.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now