CHAPTER 19

68 12 6
                                    

Niligpit ko na yung gamit ko dahil tapos ko nang gawin yung banner na ginawa ko para kay Shawn. nakapag bihis na din kami ng shirt namin na Eagle at color brown.

"Let's go na girls!" Sabi ko at kinuha na yung gamit.

"Woohoo! pag nanalo tayo..." Sabi ni Chloe.

"Ano?" Si mia.

"Edi happy, tapos birthday pa nitong si Eli kaya double double yung saya, tara na!" Tumango kami at sumunod sa kanya. sumakay kami sa kotse ko at ako na ang nag drive papunta sa arena. pagdating doon ay sobrang daming tao sa labas kaya nag madali na kaming pumasok na tatlo dahil baka maagawan pa kami ng upuan.

Napatingin ako sa paligid. sobrang daming tao!

"Elijyah, right?" Napatingin kami sa babaeng nasa gilid namin. oh! sya yung palaging nag bibigay saamin ng ticket na pinapabigay ni Shawn.

"Yes" I smiled.

"Tickets" inabot nya saakin yung dalawang ticket at ngumiti. "Buti nalang at nakahabol si Shawn na bumili ng tickets para sainyo, ubos na kasi" nanlaki yung mata ko.

"Tatlo kami" paano si mia?

"Oh, sorry. wala nang ticket. ubos na, kanina pa, kaya nga maraming tao sa labas" napatingin ako kay mia pero ngumiti lang sya saakin.

"Here" napatingin ako sa lalaking nag abot ng ticket kay mia.

"Hi James!" Bati ni Chloe. ngumiti sya saamin.

"Hello" tumingin sya saakin at ngumiti. "Happy birthday Eli" ngumiti din ako.

"Mag kakilala kayo?" Pandadaldal ni Chloe at mukang exited sa mangyayari.

"Y-yes..." She answered.

"Paano?" I asked, nakangiti.

"Uh--"

"Pasok na tayo, malapit nang mag simula" pagputol ni James sa sasabihin ni mia. natawa kami ni Chloe at pumasok nalang.

"May nakahandang ticket ah? para kay mia talaga yung isa no?" Gulat na napatingin saamin ni James.

"Hindi, k-kay zaiden talaga yung isa" Sabi ni James.

"Edi wala nang ticket si zaiden?" I asked.

"Yes" sagot nya. hindi pala makakapasok si zaiden? sabi nung babae kanina wala na daw ticket dahil ubos na.

"Buti nga" tumawa si Chloe.

"We?, gusto mo din yatang syang makita eh" pang aasar ni James Kay chloe. tinarayan sya ni Chloe.

"Bakit mo muna binigay kay mia yung ticket?, Nag usap kayo no?" Nang aasar na naman si Chloe.

"Hindi--"

"Wag na mag palusot, nako! sabihin nyo na" ngumiti nang mapang asar si Chloe.

"Ano to mia?" I asked. nang aasar.

"H-huh? wala" pag dedeny nya. tumawa ako. imposible.

"Hindi pwedeng wala!" Reklamo ni Chloe. hindi na nakasagot yung dalawa kaya umupo na kami. pang Lima kami sa unahan. pwede na. mag kakatabi kaming tatlo. saktong sakto yung pwesto ni mia huh. halatang plinano talagang bilhan si mia ng ticket.

Si mia yung katabi ko at si Chloe yung sa pangatlo. nakakapag taka nga dahil malapit nang mag simula yung game pero wala pa ding nakaupo sa next seat.

"Wag nga kayong tumingin ng ganyan, wala talaga yon" Hindi sya makatingin saamin ni Chloe.

"Hindi ako naniniwalang wala talaga" umiling iling ako.

"Correct!" Tumawa si Chloe. tumingin nalang ako sa unahan. nakita kong kausap ni Shawn yung coach nila. kasama nya si James at yung team mates nya. tumango sila at natapos yung usapan. kinausap naman ni Shawn si James. humarap si James at tinuro yung pwesto namin.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now