CHAPTER 14

72 12 0
                                    

"Ano kayang magandang gawin ngayon?" Tanong ni Chloe. binigay ko sa kanya yung illustration board ko.

"Gawin mo plates ko" tinarayan nya ako.

"Ang hirap kaya nyan!" Sabi nya at may kinalikot nalang sa phone nya. tumawa nalang ako at kinuha na yung gamit ko. "Uuwi kana?"

"Oo, pauwi na daw kanina si mom tsaka si dad" tumayo sya at kinuha na din yung gamit nya.

"Wow, ang tagal nila doon sa U.S diba?" tumango ako at nag lakad na. exited na akong umuwi.

"Ikaw, saan ka pupunta?" Tanong ko pagbukas ng kotse ko.

"Uuwi nalang din, wala talaga akong maisip na pupuntahan o gagawin. malapit na kaya yung new year break" oo nga pala, malapit na yung new year. "Ikaw, saan ka mag babakasyon?"

"Baka sa bahay nalang, atleast kasama ko sina mom at dad pati si kuya" ngumiti ako. nandito na ulit sila.

"Sige na, uwi na. bye!" Sabi nya at nag lakad na paalis. sumakay nalang ako sa kotse ko at nag drive na pauwi. pagdating doon ay pumasok kaagad ako sa loob.

"Hi eli" bati ni kuya ven. lumapit ako sa kanya nang may ngiti sa muka.

"Hello kuya!" Napatingin ako sa desk na palagi nyang pwesto. "Wala kang ginagawa?"

"Ah, oo. tapos na ako eh" tumango ako.

"Si kuya sky, umuwi na ba?"

"Eli" napalingon ako sa likod ko at nakita ko doon si kuya sky. lumapit sya saakin.

"Hi kuya" masayang bati ko.

"How is your school?" Nilapag ko muna yung gamit ko sa sofa.

"Okay naman, mabilis lang natapos" tumango sya at umupo. Umakyat muna ako sa kwarto ko para mag bihis. ano kayang pwedeng lutuin? Sana naman luto na yung ihahain ko kapag nandyan na sina mom.

Nag search muna ako sa google kung ano ba ang masarap na lutuin. tatlong putahe ang lulutuin ko. namili muna ako doon.

•Menudo
•Adobo
•Sinigang

Bumaba na ako at nag patulong sa mga maid namin na ihanda yung mga ingredients. ako parin ako mag luluto no. gusto kong matikman nila yung gagawin ko. kinuha ko yung carrots at nag hiwa muna.

"Dahan dahan po ma'am, baka mahiwa po yung daliri mo" Sabi nung maid namin kaya dinahan dahan ko nalang. baka sa sobrang excited ko ay maputol ko pa ang daliri ko. nang matapos ay sinunod ko naman yung potato, Onion, at Garlic.

7:43 PM na nang matapos kami sa niluto naming mga putahe. I'm so excited na!

"Punasan mo pawis mo, Eli" hinagis saakin ni kuya ven yung panyo. ngumiti ako sa kanya.

"Thanks kuya" pinunasan ko yung muka ko at umakyat muna sa kwarto ko. nag pahinga ako at naligo na. pagkatapos ay bumaba na para ayusin yung mga pagkain.

"You cooked?" Tanong ni kuya sky.

"Yes kuya, hintayin muna natin sina mom" ngumiti sya at tumango.

"My friends are here" kumunot ang noo ko. Omygod...

"Nandito sina mara?" Tumango sya.

"Bakit hindi mo sinabi?!" Inis na tanong ko.

"You're busy cooking so I won't bother you" hinampas ko sya sa braso nya.

"Nasaan sila?" Tumingin ako sa paligid. wala naman sila dito sa loob ah.

"Garden" Nag lakad sya palabas sya loob kaya sumunod ako. habang papalapit sa garden ay naririnig ko yung mga tawanan nila. "Guys" Sabi ni kuya kaya napalingon sila.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now