CHAPTER 35

96 10 0
                                    

"Ano?! sya yung makakatrabaho mo?!" Gulat na tanong ni Chloe.

"Mg! Bakit nga pala sya nandito?" Tanong ni Tanya. ayun nga din yung tanong ko. bakit sya nandito?

"Hindi ko alam" sagot ko. nangalumbaba ako at inisip yung nangyari nung isang linggo. hindi ko makalimutan yung sinabi nya.

We met again.

Napapikit ako at sinubukan na lang kalimutan 'yon.

"Baka naman sinundan ka dito?" Si Chloe. kunot noo kaming tumingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Si Mia.

"Kasi diba, Sa Spain ka tumira ng 3years tapos sya sa U.S, then malay mo sinundan ka nya sa U.S kasi akala nya nandoon ka pero nalaman nya kay kuya Sky na nasa Spain ka pala kaya sumunod sy--" binatukan kaagad sya ni Tanya. "Aray! Epal ka!"

"Mas epal ka, kung ano ano yung sinasabi mo!" Sigaw ni Tanya sa kanya.

"Baka magising si Faye, hinaan nyo yung boses nyo" saway ni Mia. napatingin ako kay Faye na natutulog sa sofa ng office ko. tumayo na ako at kinuha na yung bag ko.

"Aalis ka?" Tanong ni Chloe.

"Oo, kailangan kong bisitahin yung site" ngumiti ako sa kanila.

"Hindi ka kasama?" Tanong ni Tanya kay Mia na gumagawa ng design.

"Hindi, titingnan lang naman nya yung site"

"Sige, ingat ha" Sabi nila at nag waved ng hand saakin. I kissed Faye's Cheek before i leave. pagkasakay ko sa elevator ay nag sasara na sana nang biglang may humawak doon.

"Maderms! Wait lang!" hinihingal nyang Sabi. bumukas ulit yung door at pumasok na sya.

"Bakit hinihingal ka?" I asked.

"Eh kasi maderms! may schedule na naman po kayo ng meeting" Sabi nya saakin.

"Kailan?"

"Sa susunod pa naman po, hehe" she smiled. "Niremind ko lang po" napakamot sya sa ulo.

"Oh, okay, thanks" I smiled too.

"Saan ka po pupunta?, gusto mo samahan kita? free ako ngayon maderms" she energetic said.

"No need, kaya ko na" pagbukas ng elevator ay dumiretso na kaagad ako sa kotse ko at pinaandar yon. halos isang oras akong nag drive bago nakarating sa Cavite. hindi nga lang yata isang oras dahil na-traffic pa ako. bumaba na ako sa kotse ko. napaawang yung labi ko nang makita kong mabato pala dito. naka heels pa naman ako. bumaba na lang ako at dahan dahan'g nag lakad. "Aaahh!" Sigaw ko nang matapilok ako. babagsak na sana ako nang biglang may nakasalo saakin. nakita ko si Zion. tinayo nya ako at tiningnan ako.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya.

"Yes, thank you" I smiled. "Saan ka pupunta?"

"Aalis na, may pinuntahan lang ako dito tapos napadaan din ako dito sa site nyo" he said. I Just nodded.

"Okay, take care" I smiled. lumapit ako sa kanya at niyakap sya. he hugged me back.

"Ingat ka dito" he smiled.

"Nako Engineer!, hindi tayo matatapos nyan kung tititig ka lang dyan!" Nanatawang sigaw ni Engineer. Mendoza kaya napatingin ako sa kanila. nakita kong nakatingin saamin ni Zion si Shawn at agad ding tumalikod para pumunta sa loob.

"Sige na, alis na ako" paalam ni Zion. Tumango ako at nag lakad na din papunta sa loob ng office. may sarili kaming office dito dahil minsan ay dito na nag papalipas ng gabi yung mga Engineer at Architect. napahinto ako dahil may naramdaman akong kumikirot sa paa ko. nang tingnan ko yon ay nakita ko yung paa ko na may sugat medyo malaki kaya ganon na lang karami yung dugo. hinayaan ko na lang muna at pumunta na lang muna sa mga workers.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now