CHAPTER 39

107 8 0
                                    

Kakarating ko lang dito sa site, nakita ko kaagad na busy ang lahat ng nandoon. Pati ang mga Engineers ay may mga kausap na workers. Hinayaan ko na lang muna sila doon at dumiretso na lang sa office ko. Sa bawat araw na dumadaan, nararamdaman kong bumabawi si Shawn sa lahat. Natutuwa lang ako tuwing naiisip ko na palagi syang concerned sa health ko.

Umupo na ako sa swivel chair ko at kinuha na lang muna yung phone para tawagan si Mia.

[Eli? Napatawag ka?] She asked.

"Mia, naibigay mo na ba kay Dad yung hinihingi nya saaking folder?" Tanong ko sa kanya at nag halungkat ng mga folder doon.

[Ah!, Oo. Sorry, hindi ko na nasabi sa'yo, nakalimutan ko] She laughed.

"Okay lang, akala ko kasi nawala na dito sa office ko" I said to her.

[Ay, may meeting nga pala bukas. Punta ka, importante daw] Paalala nya.

"Sige, Thanks" I ended the call. Nangalumbaba na lang ako at nag paikot ikot sa swivel chair ko. May narinig akong kumatok sa door. "Come in" Humarap ako dahil nakatalikod ako sa door. "Uh, Engineer Ferrer" I smiled. Lumapit naman sya saakin at may ipinatong sa desk ko.

"Hindi ka pa kumakain" He said. Umupo sya sa may sofa. Palagi nya akong dinadalhan ng food tuwing lunch dahil alam nyang hindi ako nakakapagdala tuwing aalis ako sa unit ko. Baka malate ako kaya Hindi na ako nag aabalang mag luto ng lunch.

"Thanks, do you want eat?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang sya at sumandal sa sofa. Kumain na lang ako habang nanonood ng movie.

Lumapit sya sa pwesto ko at tiningnan yung pinapanood ko. "What's that?" He asked.

"Spiderman. Hindi mo ba alam yan? Siguro hindi ka mahilig dyan noong bata ka pa, no?" I asked him.

"Uh, no" Nakinood na lang sya saakin doon. Nang matapos akong kumain ay niligpit ko na yon.

"May meeting bukas. Pupunta kayo sa Pasig, diba?" Kung pupunta sila sa Pasig, baka hindi sya makaattend sa meeting.

"It's not important, makakapunta ako sa meeting" He said. Tumango na lang ako at kinuha na 'yong folder.

"Nandyan ba si Engineer Mendoza?" Tiningnan ko yung nakalagay sa folder.

"In his office" He said. Inabot ko sa kanya yung folder.

"Pakibigay" I smiled. Kinuha nya yon. Lumabas na lang muna kami sa office ko at nag ikot ikot sa site.

"Eli!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Zion.

"Hi" I smiled to him. "Anong ginagawa mo dito?" May inabot sya saaking lunch box.

"Nag hatid ng lunch mo, kumain ka na b--"

"She's done." Pag putol ni Shawn sa sinasabi ni Zion.

"Ah... Sige, pwede mo din 'to pang dinner" kinuha ko na lang iyon.

"Thank you" Ngumiti ulit ako. Kakainin ko na lang 'to mamaya.

"Free ka ba mamayang gabi?" Zion asked.

"Oo--"

"She's busy, don't disturb her." Napatingin ako kay Shawn.

"Hindi naman" Sabi ko pa.

"You're busy, Architect." Sabi nya habang may tinitingnan sa folder.

"Okay, you're busy. Alis na ako" Paalam nya. Tumango ako. Yayakapin ko sana sya pero biglang humarang yung kamay ni Shawn kaya parehas kaming napatingin ni Zion sa kanya.

"May lamok." He coldly said.

"Take care, Zion" I waved my hand.

"Ikaw din" He smiled before leave.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now