CHAPTER 16

81 14 3
                                    

"Eli, taste it" nilapit ni Shawn sa bibig ko yung spoon na may sabaw ng adobo. tinikman ko yung sabaw. "How is it?"

"Pwede na" ngumiti ako at umupo na. umupo naman sya sa tabi ko. "Lola!, kain na po!" Sigaw ko. nakita ko nang bumaba na sya at may dalang bag.

"Apo!" Lumapit sya saakin.

"Good afternoon Lola, let's eat" pag aaya ni Shawn. ngumiti naman si Lola sa kanya.

"Hindi na, may pupuntahan pa ako" lalayas na naman tong si Lola.

"Where are you going Lola?" Si Shawn.

"Sa mga tropapets ko. sige na, bye aposs!" Sabi ni lola at nag madaling lumabas.

"Tropapets?" He asked.

"Mga kaibigan ni lola, tropa or tropapets" pagpapaliwanag ko. nakita kong naguluhan pa sya pero kumain nalang sya.

"Tropapets..." Tumatango tango sya habang sinasabi yon. "What is tropa?" Kumamot ako sa ulo ko.

"That's 'Friend', okay na?" Kumain nalang ako ulit. Si Lola talaga, kung ano ano nalang yung mga nalalamang salita.

"How did you know that?"

"Lumaki ako dito no, syempre alam ko yan"

"So you're my tropapets?" Tumingin ako sa kanya.

"Hindi mo ako kaibigan" I smiled.

"What? I'm your friend" umupo sya ng maayos at tumingin saakin. sumandal naman ako sa upuan ko.

"Never kang nakipag kaibigan sakin" Hindi naman talaga sya nakipag friends saakin no!, Ewan, Basta nag kakilala nalang kami.

"You are now my friend" tumango tango nalang ako. friends huh.

"From now on, stop courting me na" nagulat naman syang tumingin saakin, kinakabahan.

"Huh?, why?" Napainom sya ng tubig habang ako naman ay pinipigilan ang tawa.

"Hindi na kita sasagutin, we're now friends. ang pangit naman kung mag kaibigan tayo tapos nililigawan mo ako, kaya friends na tayo ngayon" gusto mo yang friends na yan eh, bahala ka dyan.

"I'm just kidding!, I don't want to be your friend. I want to be your boyfriend" nagkibit balikat ako.

"Sabi mo friends na tayo"

"No, I don't want to stop courting you" tumawa ako.

"Good, don't stop" tumawa ulit ako at kumain na.

Nang matapos ay nag ligpit na sya doon kaya naman naligo muna ako. mabilis lang akong natapos at lumabas na doon. nag bihis na ako at pinatuyo yung buhok ko. tumingin ako kay Shawn na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Aalis tayo, maligo kana, mabaho kana" pag bibiro ko. inamoy nya yung sarili nya.

"Can you smell?" Lumapit sya saakin. ito talaga hindi pa amuyin eh. tinanggal ko muna sa saksakan yung blower.

"Nag jo-joke lang ako" ilapit ko doon yung nose ko. mabango naman sya. napatigil ako nang bigla kong naramdaman na hinalikan nya ako sa noo ko.

"What smell?" tiningala ko sya at hindi kaagad nakasagot. pakiramdam ko ay namumula yung muka ko.

"Maligo kana lang" tumalikod ako sa kanya. narinig ko syang tumawa bago pumasok sa cr. binagsak ko yung sarili ko sa higaan at niyakap yung unan. gusto kong sumigaw pero hindi pwede.

Nakakakilig! halos ibalibag ko na yung unan sa sobrang kilig ko.

"What are you doing?" Napahinto ako at tumingin sa pinto ng cr. napaayos ako ng upo. omy! nandoon pala sya! nakasandal sya sa pinto ng cr habang nakatingin saakin.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now