CHAPTER 32

72 9 0
                                    

"Una na ako ha, may pupuntahan pa kami ni zaiden" paalam ni Chloe at kinuha na yung mga gamit nya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Tanya.

"Mall lang" sagot nya. "Byee!"

"Take care!" Sigaw ko. ngumiti sya umalis na.

"Mag de-date kaya sila?" Tanong ni mia.

"Hindi natin alam, pero malay nyo" sabi naman ni tanya. tumawa na lang ako at niligpit na din yung gamit.

"Uuwi na din ako" paalam ko sa kanila.

"Sige, ingat!" Sabi ni mia. ngumiti lang ako at dumiretso na sa parking lot. hinanap ko yung kotse ko, nang makita ko ay sumakay na ako. pinaandar ko na yun at nag maneho na paalis doon.

Pagdating sa condo unit ko ay pumasok kaagad ako. tahimik. wala pa sya. pumasok na ako sa kwarto ko at nag palit na ng damit. nilibang ko muna yung sarili ko sa panonood ng mga movies. dalawang oras na akong nanonood dito pero wala pa din sya. 7:20 PM na. tumayo ako at nag simula nang mag luto sa kitchen. nanood muna ako sa YouTube kung paano ba lutuin yung Chicken Curry.

Ginawa ko yun habang nanonood ako. napapunas na lang ako sa pawis ko. mas madali siguro kung menudo nalang yung niluto ko, pero okay na to. nang matapos ay nag hain na ako sa mesa. sabi nya uuwi sya ng maaga kaya hinintay ko na lang sya. habang nag hihintay ako ay nanood na lang ulit ako ng movie.

Pabalik balik akong lumilingon sa door, baka kasi nandito na sya at hindi ko lang napansin. nag hintay nalang ulit ako. ilang oras pa ang dumaan pero wala pa din sya. uuwi ba sya? kakahintay ko sa kanya ay nakatulog na ako sa kwarto ko.

Naalimpungatan ako dahil sa nalaglag na gamit. nandito na kaya sya? minulat ko yung mata ko at humarap sa kabila, pero wala sya. tumingin ako sa orasan, 3:58 AM na. umupo ako at tumingin sa paligid. wala yung gamit nya, wala talaga sya. sabi nya uuwi sya? kinuha ko yung phone ko. pag open ko ay may message akong nakita.

From: Love

I can't go home, love. sorry, I love you.

Napangiti na lang ako ng mapait at saka napatango sa sarili. ayos lang, may bukas pa naman para dito. ngumiti pa rin ako kahit nalulungkot na ako.

To: Love

I understand, love. take care, I love you.

Hinawakan ko yung necklace ko. it's okay eli, intindihin mo si Shawn.

A few days ago, madalas na lang akong makauwi sa condo ko dahil madalas din akong busy sa mga projects at assignments ko. may deadline pa ako bukas kaya tinatapos ko na ngayon ang ibang projects. konti na lang naman at matatapos ko na ito. done! okay na. niligpit ko na yung mga gamit ko at dumiretso na sa room para ipasa iyon.

Nang makapag pasa na ako, I went straight to the parking lot and got in my car. with each passing day I get even busier than shawn. we can't even talk once and we only see each other often. but even so, nothing has changed with us. I took my phone and texted Shawn first.

To: Love

Hindi ako makakauwi, love. I love you.

Nag drive na ako punta sa house ni dad. pagdating doon ay nakita ko kaagad si kuya ven na kausap si kuya habang nag tatawanan pa. bumaba na ako at lumapit sa kanila.

"Hi kuyas!" Bati ko at niyakap silang dalawa.

"I missed you, Eli" kuya sky said and hugged me too.

"Na-miss kita, bunso!" Kuya ven hugged me too.

"Na-miss ko din kayo" I smiled. "Si dad?"

"In the office" sagot ni kuya sky.

"Si mommy?, wala na naman?" Tanong ko ulit.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now