CHAPTER 24

83 12 16
                                    

CHLOE'S POV

Pagkatapos kong mag paalam sa kanila ay umalis na kaagad ako doon. dumaan muna ako sa bilihan ng Fresh fruit para bumili ng prutas. alangan namang bumili ako ng gulay dito, diba?

"Ano yon miss?" Tanong nung babae habang nag ce-cellphone.

"Orange tsaka mango, tag dalawa" Sabi ko sa kanya at hinintay syang tumayo doon.

"Ha?" Binalik ko sa kanya yung tingin ko pero nasa cellphone pa din yung tingin nya.

"Orange tsaka mango" pag uulit ko.

"Ano ulit?, wait lang!" Sabi nya habang pangit ngiti sa kausap nya. tangina! kinalma ko yung sarili ko. hindi ako pwedeng mastress sa pangit na to. magiging F.A ako kaya dapat habaan ang pasensya. sumilip ako sa phone nya.

"Ano yan? Bold?" Tanong ko. napatayo naman sya at tinago yung cellphone.

"Ano ulit order mo?" Tanong nya. napapikit ako at pinigilan yung sarili na sabunutan sya.

"Pakinggan mo to ha, pag hindi mo pa nakuha kakalbuhin kita" mataray na Sabi ko sa kanya. "Orange and mango! go!" Kumuha na sya non. pagkatapos ay binayaran ko na at umalis na doon. nakakainit ng ulo yung babaeng yun ha!

Sumakay na ako ng jeep papunta sa Cortez Hospital. pagdating doon ay bumaba kaagad ako at pumasok sa loob. alam kong dito sya dinala dahil ito lang naman yung pinaka malapit na hospital sa university. daddy pala ni iris yung may ari ng ospital na to, yuckie, hindi ko maisip na aapak ako sa pag mamay-ari ng kalahi nya.

"May Zaiden Vazquez ba dito?" tanong ko sa babae.

"Yes ma'am, kakadala lang sa kanya dito kahapon" bigla tuloy akong napaisip. bakit ba ako pumunta dito? anong pinunta ko dito? para dalawin sya? anong katangahan ba yan Chloe.

"Anong room?" I asked.

"Room 55, ma'am, 4th floor"

"Salamat" umalis na ako doon at nag elevator na. nandito ka din naman na Chloe. ituloy mo nalang, sayang pamasahe mo kanina, then bumili kapa ng fruits? para sa kanya? ano daw yun. pag bukas ng elevator ay lumabas na ko doon at hinanap yung room.

Nang makita ko ay huminto muna ako at pinakinggan yung loob. mukang may kausap sya. binuksan ko nalang yung pinto at pumasok sa loob.

"Nasan si Chloe?" tanong nya sa phone. Hindi nya ba ako napapansin dito? nakakangalay na nga eh!

"Nandito ako" mahina kong Sabi. parang biglang natakot yung muka nya at tumingin sa paligid. napasigaw naman sya nang makita akong nakatayo.

"Tangina! papatayin mo ba ako?!" Sigaw nya. binaba na nya yung phone at nilapag yon sa tabi nya. "Sakit ng puso ko!"

"Pake ko?" umupo na ako sa sofa na nandoon. ang sosyal pala dito. may pa sofa.

"Ang sama mo talaga sakin!" Sabi nya at humiga na. "Bakit ka pala nandito?" Ano nga ba kasing ginagawa ko dito?

"Aalis na ako" Sabi ko at tumayo.

"Sandali! kakarating mo lang!" Sigaw nya at hinawakan yung kamay ko para pigilan akong umalis. humarap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "Dito ka muna" umiwas sya ng tingin. Uupo na sana ulit ako pero naramdaman kong nakahawak parin sya sa kamay ko kaya parehas kaming napatingin doon.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw nya. ano daw?! sya kaya yung humawak sa kamay ko! "Bakit mo hinawakan?, Crush mo 'ko no?" nandiri kaagad yung muka ko. napaka feelingero nito.

"Yuck!, saan kaba pinag lihi ng nanay mo?" Sabi ko at tinarayan sya. Umupo nalang ako doon.

Ako? hahawakan sya? mas gugustuhin ko nalang na humawak ng bulate kesa hawakan yung kamay nya! tsaka duh, ayoko sa feelingero. kung mag kakacrush ako, mas okay nang kay ave kahit may girlfriend na sya. Heh!

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now