CHAPTER 9

93 14 0
                                    

Lumabas na ako sa room ko para bumaba sa building. wala si chloe ngayon kaya napaka boring. pagbaba ko ay nakita ko si Shawn na kasama si zaiden. lumapit na ako sa kanila.

"Hi" bati ko. lumingon kaagad sya saakin at ngumiti.

"Bye eli, una na ako bro" paalam ni zaiden.

"Aalis kana kaagad?" Tanong ko.

"Oo, may pupuntahan pa ako, bye!" Sabi nya at agad na umalis. wala si chloe tapos umalis din si zaiden? napapaisip tuloy ako.

"Uwi na tayo" matamlay akong tumango. tiningnan nya ako. "Are you okay?" I smiled.

"Yes, let's go?" He held my hand. nag lakad na kami papunta sa parking lot. Sumakay na din agad ako sa kotse nya dahil nahihilo ako.

Pagdating sa building ng condo ay inalalayan nya akong bumaba at umakyat sa unit ko. nag palit lang ako at kinuha na kaagad yung illustration board ko para gawin yung plates ko.

Nasa unit na nya si Shawn at mukang may ginagawa rin. ginawa ko nalang yung plates ko.

Natapos akong gawin yun, bandang 10 PM. hindi pa ako kumakain dahil wala kong gana. nakita kong pumasok si shawn sa unit ko. lumapit sya saakin at nilapag agad yung palad nya sa noo ko.

"You have a fever" Sabi nya pagkatapos akong icheck.

"Mainit ba ako? parang hindi naman, malamig lang!" hinawakan ko yung neck ko. baka naman malamig lang sya? umalis sya saglit at pagbalik nya ay may dala na syang pagkain.

"Eat" nilapag nya yung soup sa table sa gilid ng kama ko.

"Wala akong gana, ikaw nalang kumain nyan" tinalikuran ko sya at niyakap yung unan.

"You need to eat this" pagpilit nya saakin.

"Ayaw" umiling ako. baka isuka ko lang din yan no.

"Fine" nilapag nya yung soup at tumayo para lumabas sa room ko. umupo kaagad ako.

"Kakain na ako" lumingon sya saakin at ngumiti. bumalik sya sa kama ko tsaka kinuha yung soup. sinubuan nya ako kaya ngumanga ako. pinilit kong kumain kahit wala talaga akong gana. ito naman kasi namilit pa!

Pagkatapos nun ay humiga na ulit ako. nakatulog ako dahil sa pagod ko. nagising ako dahil sa sobrang lamig. tiningnan ko kung naka open ba yung Aircon pero hindi naman.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas yun. nakita ko si Shawn na may dalang gamot.

"Inumin mo" binigay nya saakin yung bioflue. kinuha ko yun at sinabay sa tubig yung pag lunok. "What do you feel?"

"Nilalamig ako" inalalayan nya akong humiga sa kama ko. tinulak ko kaagad sya nang may maalala ako.

"Why?"

"Baka mahawa ka, bumalik kana sa unit mo" humiga na ako at tinalikuran sya. ayoko talaga na may nag aalaga saakin. kaya ko naman yung sarili ko. Isa pa, ayokong mahawa sya sakin.

"I want to stay here" naramdaman kong humiga sya sa tabi ko. "Aalagaan muna kita" humarap ako sa kanya.

"Pano kung mahawa ka?" He laughed.

"I don't care" niyakap nya ako pero inalis ko din yun.

"Mahahawa ka nga!" Natatawang sabi ko at lumayo sa kanya.

"Eh!" He pouted. lumapit sya saakin tsaka ulit ako niyakap.

"Ang landi mo" natawa sya sa sinabi ko.

"Yeah, just only yours" Ang kulit ha! parang kahit anong sabihin ko, may sagot sya.

"Ang lamig" bulong ko.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now