CHAPTER 10

100 15 1
                                    

"Okay, 2 minutes" nag madali na akong gawin yung exam namin. kailangan kong maipasa to. ilang araw na din akong naging busy sa pag rereview. ganon din si Shawn kaya madalas nalang kaming mag kita kahit pa magkatabi lang yung unit namin. ayaw namin ng distraction saamin.

Natapos ko na kaya tumayo ako at pinasa yung papers ko. kinakabahan ako para sa scores ko.

"Class dismissed" lumabas kaagad ako sa room at bumaba na sa building. bumili ako ng mineral sa cafeteria dahil sa kaba ko. pakiramdam ko talaga hindi ko maipapasa.

Si Shawn kaya? kamusta na kaya sya? tatlong linggo na kaming Hindi masyadong nag kikita dahil nga busy sa finals.

"Hoy miss! Dalian mo naman marami pang bibili oh!" Sigaw nung nag titinda saakin. omygod!

"S-sorry po!" Kinuha ko na yun at umalis sa pila. tanga mo talaga eli.

Pinakalma ko muna yung sarili ko. omygod... Hindi ako mapalagay! feeling ko hinulaan ko lang yung sagot pero hindi naman! Pabalik balik lang akong nag lakad at nag isip. nag review naman ako ng maigin ah!

"Hoy! kanina pa kita tinatawag!"

"Palaka!" Sigaw ko. napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "Ano ba!"

"Kanina ka pa paikot ikot dyan! ano bang problema?" Tanong ni Chloe. umupo sya.

"Hindi ko alam" kinalma ko nalang yung sarili ko dahil muka na akong tanga dito.

"Umupo ka nga dito, nahihilo ako sa'yo!" Umupo nalang ako sa tapat nya. 

"Chloe" tumingin sya saakin. "Tingin mo ba, maipapasa ko yung exam?" Ngumiti sya.

"Oo naman, bakit Hindi? magaling ka kaya" Tama, magaling ako. whoa! "Nakita ko kanina si iris, umiiyak"

"Oh, bakit daw?"

"Hindi ko alam, baka natanggal sa team? cheer leader sya sa basketball team diba?, chinicheer nya si zaiden" napataray sya. Halatang halata na nag seselos!

"Crush na crush mo si zaiden no?"

"Hindi no! hindi ko nga yun, gusto! kuya nya yung gusto ko" napailing nalang ako.

"Si kuya nga may pinupuntahan sa QC, Hindi na nag sasabi sakin" I pouted.

"Eh lalo na si ate, laging wala sa bahay, palaging naka overtime. gusto nya daw kasi ng malaki yung sahod. naawa na nga ako sa kanya minsan eh, kasi tuwing umuuwi sya laging pagod. pero may nag hahatid naman. boyfriend nya yata" ininom sya sa soft drinks nya.

Sino kayang pinupuntahan ni kuya sa QC? naaawa ako sa babaeng maloloko nya ngayon.

"Kilala mo?" Umiling sya.

"Hindi eh, pero palagi syang dinadalhan ng flowers tsaka ng food. ang sweet nga eh, ngayon ko lang nakitang ganon kasaya si ate"

"Ilang years na? baka lokohin lang yan"

"1 year na yata sila kahapon nung nakaraang linggo lang" kumain nalang ako at hinayaan lang syang mag kwento. "Hindi ko nga nakita yung muka kasi paalis na sila nung lumabas ako sa kwarto ko. pero mukang gwapo naman"

"Sira!" Sigaw ko sa kanya.

"Malapit na yung 3rd game ng taekwondo ah, sure akong mahihirapan si Shawn" napalingon ako sa kanya.

"Bakit? anong meron sa kalaban?"

"Black belt na yung ilalaban ng SMU, Jr. Black belt naman si Shawn kaya pumayag yung coach nila. kaya nga mas pinag tutuunan nila ng pansin yung taekwondo eh" adami naman nya masydong alam. samantalang akong walang kaalam alam sa nangyayari kay Shawn. Hindi ko nga alam na 3rd game na nila next week.

Something Into Your Smile Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt