CHAPTER 26

89 11 13
                                    

"Kamusta plates?" Bungad kaagad ni mia nang makapasok sa unit ko. kasama nya din si Chloe. bakit sila nandito? free day siguro nila.

"Malapit nang matapos" ngumiti ako sa kanila. umupo naman sila sa harap ko.

"Eh kayo ni Shawn?" Si Chloe. "Madalas na lang kayong mag kita, ah?" Mataray na sabi nya.

"Busy sya, Chloe. marami din syang ginagawa, hindi lang naman ako yung priority nya dahil mas importante saming dalawa yung school" naiintindihan naman namin yung isa't isa kaya walang problema. kapag nag kikita naman kami, ganon parin, yung sweet pa din sa isa't isa.

"Hay nako" Sabi nya at nangalumbaba.

"Ayos ka lang?" Mia asked Chloe. "Mukang sawi ka sa love life?" natawa naman ako. si Chloe?

"Kailan pa nag ka love life yan?" Tanong ko at nilagay na sa bag yung illustration board.

"True!" napatingin ako sa unahan. si Tanya, kararating lang.

"Kamusta si Faye?" nakangiting tanong ko. namimiss ko na yung batang 'yon.

"She's okay. palagi nga nyang nababanggit yung pangalan nyo kahit bulol pa syang mag salita" she smiled. alam ko kung gaano sya kasaya sa mga nangyayari sa kanila.

"Buti naman at nag tagal kayo ni Kevin?" Tanong ni Chloe. tumingin ako sa kanya at sumenyas na wag munang iopen ang topic na yon.

"Of course, Chloe. mahal namin ang isa't isa" nakita kong naging malungkot si tanya pero pinipilit parin'g ngumiti.

"Mahal, tss" Sabi ni Chloe at uminom nalang sa water nya. "Talaga bang masaya kayo? parang onti nalang, bibigay kana, eh. tingnan mo nga yang katawan mo, pumayat ka lalo. pinapabayaan ka lang ni Kevin"

"Chloe!" Saway ko sa kanya.

"Chloe, tama na" saway din ni mia.

"Bakit?, nakikita mo ba kung paano nya ako alagaan?" Halatang nag pipigil lang si Tanya sa galit nya per nagagawa pa din nyang kumalma.

"Pumunta ba kayo dito para lang mag away?, umalis na lang kayo" inis na sabi ko sa kanila pero hindi ako pinansin.

"Kahit na, tanya!, kitang kita ko kung gaano ka kumakapit sa mga pananakit na ginagawa nya sa'y--" nanlaki ang mata namin ni mia nang makitang sinampal ni tanya si Chloe.

"You don’t see everything he does, chloe! he takes care of me and my child. why don't you like him? why can't you accept that he is the father of my child?! Kevin and I are happy with our lives, why don't you just accept?! he's the one I love! he loves me!" He shouted.

"Tanya..." Saway ko at pinakalma sya.

"Oo! ayoko sa lalaking yon!" Humarap si Chloe kay tanya.

"Hindi naman Ikaw ang may gusto sa kanya, Chloe!, ako!, ako yung mag dedesisyon kung ano ang gusto ko!" May tumulong luha sa mata ni Tanya. parang hirap na hirap na syang mag salita. "Ginagawa ko to kasi... kasi may anak akong nag hihintay saakin, may anak akong gustong makasama yung daddy nya... tanggapin nyo nalang, mahal namin ang isa't isa"

Umiling si Chloe. una palang talaga ay hindi na nya gusto si Kevin para kay Tanya. alam nyang may mangyayari din at dadating din yon.

"Tumigil na kayo!" Saway ni mia. "Tama na!, pwede bang mag usap nalang kayo ng mahinahon?" Pinakalma nya yung dalawa.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?, niloko ka na nya, tanya! Mahigit isang taon ka na naming pinag sasabihan na lumayo kana sa kanya! makinig ka naman!"

"No! alam mo ba yang mga sinasabi mo, Chloe?! palibhasa, wala kang anak!, hindi mo naiintindihan ang mga ginagawa ko! ginagawa ko 'to para sa anak ko!" Sigaw nyang muli. "Kung palagi nalang ganto, mas mabuti pa sanang hindi na tayo naging mag kaibigan" she wiped her tears.

Something Into Your Smile Where stories live. Discover now