CHAPTER 34

89 10 0
                                    

"Eli, yung files na pinaabot ni sir Kian, nasa'yo pa ba?" Tanong ni Mia saakin. napanguso ako at napaisip.

"Sandali lang" tumayo ako at nag lakad papunta sa drawer ko. pagbukas ko ay nakita ko kaagad yung folder kaya kinuha ko at binigay na kay Mia.

"Kailangan ng pirma ni Mrs. Alfaro 'to. saan ba kasi sila pumunta? palaging wala sa office nila" naiinis na sabi nya. natawa na lang ako at umupo na ulit sa swivel chair ko.

"May meeting sila ni dad" in-open ko yung laptop ko para ayusin yung ginawa kong design. wala pa akong nakukuhang project sa ngayon kaya gumagawa na lang muna ako ng designs. hindi rin muna ako tumatanggap ng project dahil may ipapatayong building si daddy sa Cavite. hindi pa daw nakakahanap ng engineer kaya matatagalan pa bago masimulan 'yon.

Nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko 'yon.

From: Zion

Let's have a lunch?

I bit my lip at tumingin kay Mia.

"What?" She asked kahit wala pa akong sinasabi. "May lakad ka?"

"Uh, nag aaya so Zion ng lunch" sabi ko sa kanya. tumaas naman yung kilay nya.

"Go na, kaya ko na dito, files na lang to. I-che-check ko lang tapos mag l-lunch na din ako, ingat ka!" Sabi nya habang nakatingin sa folder na hawak nya. ngumiti ako at kinuha na yung sling bag ko.

"Thanks!" bumeso ako sa kanya bago lumabas sa office ko. nakita ko naman yung secretary ko na tumatakbo papunta saakin at hingal na hingal.

"Ma'am! Ma'am! sandali po!" Sigaw nya. napataas naman yung kilay ko habang kaharap ko sya.

"Why?" I asked. nilabas nya yung Book list nya.

"Schedule, meeting, important events--" Hindi ko na sya pinatapos.

"May pupuntahan pa ako, mamaya mo na lang sabihin pag balik ko" I smiled. tumango naman sya.

"Sige ma'am!" She smiled too.

"Okay, bye, nandoon si Mia sa office. kapag may kailangan ka, sabihin mo na Lang sa kanya" paalala ko. tumango ulit sya.

"Sige po, ingat maderms!" She waved at me. umalis na ako at dumaan muna sa office ni dad. bubuksan ko na sana nang bigla kong naalala na kameeting nya nga pala si Mrs. Alfaro. tumuloy na lang ako at sumakay na sa elevator. mag sasara na sana yung door pero bigla ulit bumukas dahil may biglang pumasok.

"Ay, Eli! Ikaw pala yan, san punta mo?" tanong ni ate haven.

"Lunch po" sagot ko at ngumiti. kumunot naman yung noo nya.

"Akala ko kasabay mo si mia?" Kaya nga eh. napakamot ako sa ulo ko.

"Si Zion po" tiningnan nya ako ng mapangasar na tingin. "Si kuya po?, nakauwi na ba?" Pag iiba ko ng topic.

"Hindi, may Flight pa sila ni Chloe, bukas pa ang uwi" may kinuha syang folder at ibinigay nya yun saakin. "Hindi ka naka-attend sa meeting kahapon, Sabi ni tito ibigay ko daw 'to sayo" kinuha ko yung folder at binasa muna yon. "Bakit ba hindi ka pumunta kahapon?"

"Yung U.T.I ko po kasi--"

"Ha?!" Lumapit sya saakin. "Ano daw? kamusta naman yung test?" Nag aalalang tanong nya. napatawa naman ako dahil sa reaction ni ate haven.

"Wala pong nangyari, nag patingin lang po ako kahapon tapos na-late ako ng dating sa board room" Sabi ko sa kanya. bumukas na yung elevator at lumabas na kami doon ni ate haven. pagdating ko kasi kahapon sa board room, wala nang tao dahil tapos na yung meeting. hindi ko pa nga nakakausap si daddy tungkol doon dahil parehas silang busy ni tita Bianca sa mga meetings.

Something Into Your Smile Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin