Chapter Nineteen

Comincia dall'inizio
                                    

Kasama rin nila ang buong pamilya Zaldana na siyang kinaiinisan ni Vix. Alam naman niya na tumutulong din ang mga ito sa kampanya ng bayaw ngunit hindi niya alam bakit kailangan pang sumama pati si Lovely. They are acting as if they are part of the Montenegro Family. Panay ang ngiti sa harap ng camera at madalas pang lumapit sa asawa niya para makipag-usap.

Vixyn knew what she is trying to do just like what Piedro had told her. She is still hoping for a chance to be with Percy but Vix will crush that hope.

"Mommy, I'm tired na and I'm super thirsty." Reklamo ni Sephy pagkatapos nilang mag-abot ng flyers sa mga tao.

Sinadya talaga nilang puntahan ang mga bawat bayan roon sa Cebu upang mamahagi ng kaunting tulong para na rin sa ikalalakas ng boto ng bayaw. May mga ilang bayan nga lang na hindi kayang daanan ng sasakyan kung kaya't nilakad nila kahit mahirap. At dahil roon ay napagod na nang husto ang mga anak.

Nilingon saglit ni Vixyn ang asawa na busy sa pakikipagusap sa ilang mga constituents ni Thadd at ganoon din ang buong pamilya nito. Hindi pa tapos ang pangangampanya dahil may ilang bayan pang natitira at sa pinakahuling bayan ay may programang inihanda para sa kanila. Sumenyas siya sa mister kaya naman agad itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sila.

"Pagod na si Seph at baka gising  na din si Sedi sa sasakyan at hinahanap na ako. Alam mo naman na simula nung bumalik tayo mula Amerika ay ayaw nang humiwalay sakin ng bunso natin. He has separation anxiety so we must address that carefully." Aniya habang pinapunasan ang ilang butil ng pawis sa noo ng asawa.

"Sige, mauna na kayong bumalik ni Sephy sa hotel para makapagpahinga. Ako na ang bahalang magsasabi kina Mama." At saka siya binigyan ng halik sa noo. "Hintayin niyo na lang ako doon." Sa anak naman bumaling. "Wait for Daddy, okay? We'll have dinner later at the hotel's rooftop."

Nakabungisngis na tumango naman ang bata.

"Ilang oras din ang biyahe magmula rito hanggang sa siyudad, kung doon ka pa manggagaling sa pinakadulong bayan, baka abutin ka na ng dilim mamaya." Sinusubukan ni Vix na isama na ang asawa.

"Don't worry, I promise, I'll be with you  on dinner tonight." He even raises his right hand, swearing in front of his daughter.

"Don't make promises you cannot keep." Seryoso niyang sabi.

"You should keep your promise, Daddy." Dugtong pa ni Sephy.

"I will." He chuckled and kissed his little girl.

"Promises are made to be broken." Patuloy ni Vix dahil ayaw talagang sumama pa ng asawa sa kanila at hahayaan lang silang bumiyahe pabalik ng siyudad nang sila lamang na mag-iina.

"Not all." At siya naman ang hinalikan sa pisngi. "May mga ilang kapulisan akong ipapasama sa inyo para masigurong makakabalik kayo ng hotel na ligtas.

"Why? Do you think someone is after us?" Bigla siyang naalarma doon.

"We're just taking precautions here. Simula na ng pangangampanya kaya't magsisimula na rin ang mga kalaban ni Thadd na gumawa ng hakbang para paatrasin siya." 

"Did he receive any death threats?" Bulong ni Vix upang hindi marinig ng mga tao roon lalo na ng anak.

"Nothing serious. Mga negative publicity lang naman, paninira ng kabilang panig. Pero kailangan pa din nating mag-ingat at huwag magpakasiguro. Ikaw na mismo ang nagsabi na magulo at madumi ang mundong ginagalawan ng pamilya ko. Politics, business, law? They are all the same. They can all put us in danger so we must be as vigilant as possible"

F.L.A.W Series Book 3: RUBYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora