"I want to believe that we can change who we were before." Aniya at saka lumapit at hinawakan ang kamay ni Sapphire. "But I need to find my memories first before I can do that. I still have hope and you should too."

"We'll help each other just like before. We will push ourselves to become better than our previous lives. We owe it to ourselves and to our family to live a happy life." Segunda naman ni Yasi na sinang-ayunan ng iba.

Nagpalitan silang magkakapatid ng mga tingin at pare-parehong nakangiti maliban kay Sapphire na naka-ilang ulit sa pag-iling.

"You don't understand." Nababahalang pahayag ng dalaga. "I'm beyond irreparable, I can't be fixed."

"Sapphire-"

"No!" Putol nito kay Emerald at kumawala mula sa pagkakaakbay at saka umatras. "FLAW did something to me in the facility."

Nakuha ng kapatid ang kuryoso ni Vix dahil kahit may mga iilan na siyang naaalala at napapanaginipan ay marami pa ring butas sa kanyang alaala kung kaya't hind niya alam kung hanggang saan ang kayang gawing kasamaan ng dating organisasyon.

"What do you mean?" Aniya.

"Don't tell me that they-"

"Yes." Putol ni Saph kay Amethyst.

"Fuck it!" Mura naman ni Em na napasipa pa sa sobrang galit. "Napaka-halang talaga ng kaluluwa niyang si Madame Pearl."

Gulong-gulo siya sa mga reaksyon ng mga kapatid. Mas napapaisip siya lalo na't narinig na naman niya ang pangalan ni Madame.

"When they perfected Crimson Death, of course, it needs to undergo a human trial, so they injected it on me."

"They treated you like a lab rat?" Mabilis niyang sagot kay Sapphire. "How could they do that to a person?"

Awang-awa si Ruby sa kapatid dahil sa dinanas nito sa kamay ng FLAW. Naisip niya na kung hindi sila nakatakas noong araw na iyon ay baka ganoon din ang nangyari sa kanila.

"Because they are monsters." Si Emerald na ang sumagot.

"Being under that drug made me their ultimate weapon. I couldn't control myself like I was trapped inside my own body." Nagpatuloy lang si Saph sa pagkukuwento tungkol sa naging epekto ng gamot sa katawan nito at pati na rin kung paano sinubukan ang pagiging epektibo nito.

"You mean to say that it wasn't an accident?" Tanong ni Diamond na ang tinutukoy ay ang nangyaring sunog sa isang bahay ampunan.

"No. I was the one who started the fire." Pag-amin ng kapatid.

Habang naririnig ang detalye ay hindi maiwasan ni Ruby na magalit at makaramdam ng sakit dahil sa nangyari sa mga walang kamuwang-muwang na mga bata. Kumbinsido na siya na talagang mga walang kaluluwa ang magkapatid na Joshua Weber at Madame Pearl dahil nagawa ng mga ito na ipahamak ang mga inosente. Ginamit pa ang kapatid nila sa kasamaan kung kaya't puno ng pagsisisi si Sapphire kahit na bikitima lang din ito.

"That wasn't you Sapphire. They used you to do their evil deeds. You shouldn't blame yourself." Pag-alo ni Astrid.

"You're wrong. No one should be blamed here but me. I agreed with the experiment. I chose that to happen."

F.L.A.W Series Book 3: RUBYWhere stories live. Discover now