"Opo, pero...sina lola. Ang mga katribo ko."

Kagabi hindi ako makatulog kakaisip sa katribong iiwanan ko.

Humingang malalim si Papa Max. "Hindi ko sila papabayaan anak."

Hindi na nagtagal at umalis na kami doon. Nilagay ang mga bag ko sa sasakyan ni Austin at sumakay na rin ako. Pagkapasok pa lang hindi ko na maiwasang maluha.

Dito ako lumaki sa lugar na ito. Ngayon...ang huling titig ko sa lugar na pinagmulan ko. Naninikip ang aking dibdib.

"Gusto mong pumunta muna sa baryo niyo?"

Nabigla ako sa sinabi ni Austin. Napatitig ako sa kanya.

"M-Maaari ba?"

Ngumiti sakin si Austin. "You know, I am not that bad as you think. I can be your friend. Pareho lang tayong walang choice kundi ang pakasalan ang isa't isa. Hindi ko talagang inaakala na parang magiging kaaway ko yata ang pinsan ko dahil sayo. " ngumingisi siya habang sinasabi iyon.

Hindi na ako nagkomento pa doon. Tanging ang gusto ko lang ay yakapin ang lola ko sa huling pagkakataon.

Tinahak namin ang daan papuntang baryo. Hindi iyon kalayuan sa mansyon ng mga Septimo.

Namiss ko ang matatangkad na damo. Ang mga tuyong dahon na nagkalat sa paligid. Ang mga baboy na itinali sa puno ng saging. Lahat ng ito ay namiss ko.

Lumabas ako ng sasakyan habang patuloy na dumadaloy ang aking luha. Mabilis ang lakad ko na tinahak ang aming bahay kubo at nakita ko ang ibang kapwa ko mangyan. Nag iwas sila ng tingin sa akin na tila ba nagtatampo.

Nang tingnan ko ang bahay namin ay wala na doong tao. Sarado ang pintuan at ng buksan ko ay ang naiwan ang mga gamit namin na malinis.

"Tiya Toling... si-si lola?"

Huminto sa pagwawalis ng lupa si Tiya Toling at tinitigan ako. Mailap ang titig niya sa akin. Kunwa'y tumitig rin siya sa lalaking kararating lang sa likuran ko.

Nakapamulsa si Austin na nililibot ang tingin sa mga kapwa ko mangyan at sa kanilang kabahayan.

"Umalis na si Tatang dito noong isang linggo pa. Kung ano man ang rason ay hindi ko alam."

"H-Ho?" Hindi ako makapaniwala sa narinig. "Tiya..pero matanda na si lola at may sakit-"

"Oo nga e," supladang sagot ni Tiya Toling,hindi na ako pinatapos. "Kung bakit nagalit ang katribo sayo dahil simula ng sumama ka sa mga Septimo..hindi na naging mabuti si Tatang. Si Tatang at Papang ang itinuring naming lahat na magulang dito. Umalis na siya. Alam mo Sol, naging malungkot na kami at wala nang kasayahan simula ng umalis ka at si Tatang."


Nanginginig ako sa iyak sa mga narinig ko. Hinawakan ni Austin ang aking balikat na para bang' tinatahan ako.

"Wala kaming alam Sol kung saan si Tatang, ginusto niyang hindi ipaalam sa amin."


Nasapo ko ang bibig para pigilan ang aking pag iyak.

Buong biyahe ay wala akong ginawa kundi ang umiyak ng tahimik.

"Drink this please." binigyan ako ni Austin ng juice habang nasa eroplano kami. Ang iba niyang inalok na pagkain ay hinindian ko na dahil sa wala akong gana. Hindi ko rin siya nakausap at ang naririnig ko mula sa kanya ay ang kanyang buntong hininga.




Traffic na sa hapon ng makarating kami ng Maynila. Tahimik lang rin ako sa panonood ng naglalakihang building at maraming billboard.


Pagkarating namin kanina may nakaantay nang magarang sasakyan sa amin. Hindi na ako magtataka kung bakit mayaman si Austin.



Alam niya kung saan ang condo unit ko dahil siya ang inatasan ni Papa Max para doon at turuan ako sa ibang bagay dito sa Maynila.


Natatakot ako at nalulungkot. Ako lang mag isa ang titira dito sa condo ko.


Pumasok na kaming dalawa at binigay niya sa akin ang susi.

Ngumiti siya sa akin.

"Your dinner will be serve later. Magpahinga ka muna at bukas darating iyong katulong mo dito."


"Katulong?"


Sinuksok niya sa kanyang bulsa ang dalawang kamay at matindig na nakatayo sa aking harapan.

"Siya lahat ang tutulong sa mga kailangan mo. Sa mga hindi mo pa alam na gawin dito sa Maynila at sa pag aaral mo."


Natahimik ako at nilibot ang tingin sa paligid ng maganda at malawak na unit na ito.

"Anong pangalan ng katulong? M-Mabait ba siya?" naalala ko ang mga katulong sa mansyon ng mga Septimo.

Bumaba ang tingin ni Austin sa aking paa na may sugat sanhi ng pag bangga ng katulong ng umalis ako. Diin ang titig niya doon at bumalik ang tingin niya sa mata ko.


"Her name is Milagros."


Parang nakilala ko na si Milagros e. O baka magkapareho lang ng pangalan.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon