43

30.2K 862 588
                                    

Naging masaya ang isang buwan ko rito sa Pilipinas. Kahit papano ay gumagaan ang loob ko tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni kuya. I can really say they are fun to be with, so how much more when my kuya is here? It might be even happier again.



"Happy 25th birthay, Chi!" Sigaw namin pagkapasok na pagkapasok na Chi sa kaniyang condo. Napa-awang ang kaniyang labi habang nakatulalang nakatingin sa 'min.



"Hala," sambit niya, nakahawak pa siya sa kaniyang dibdib ngayon. "Thank you," kalaunan ay sambit niya kaagad, halos naluluha na rin ang kaniyang mata.



She immediately lifted Raia to kiss her. Raia greeted her mom, which made Chi tear up even more. They were happily being filmed by Gina now.



"Happy birthday. Blow mo na 'tong candle," nakangiting sambit ni Ethan sa kaniya.



Magkakasama kaming lahat ngayon. Halos tatlong oras na kaming nandito dahil nagkabit pa kami ng mga balloons dito sa kwarto niya. Natagalan kami sa pagkakabit dahil puro pumuputok ang balloon tuwing sina Zen ang nagpapalobo, kaya grabe nalang kung mainis kami ni Gina sa kanila.



"Hep hep! mag-wish kana muna" paalala naman ni Zen.



Pinikit ni Chi ang kaniyang mata bago hinipan ang kandila. Pumalakpak naman si Raia kaya natawa kami sa kaniya.



Dumapo ang tingin namin kay Jeric na may hawak na isang box ng doughnuts. Nagulat siya dahil nakita niyang kumpleto kami.



"HOY MGA DEPOTA, SINURPRISE NIYO SIYA?! HINDI NIYO MAN LANG AKO HININTAY!" Painis na sambit ni Jeric sabay hawi sa buhok niya na akala mo naman ay mahaba ito.



"Tagal mo naman kasi beks," sambit ni Gina "mas nauna tuloy dumating 'yung mag bi-birthday kesa sa'yo," aniya.



Saglit lang kaming nagkuwentuhan at nag-umpisa na kaming kumain. Masayang-masaya si Raia dahil andaming cake at doughnuts ngayon. Pinapagalitan naman siya ni Chi dahil baka sumakit ang ngipin ng bata.



"Tangina talaga ni Xam nabubwesit ako," kalaunan ay sambit ni Ethan, "hindi ko man lang siya nakasama bago mawala. Feel ko tuloy hindi niya ako love," parang batang sambit ni Ethan habang kumakain.



Humagalpak naman ng tawa si Zen. "Tanga, hindi ka naman talaga namin mahal, pre"



"Sakit mo na talaga, Zen," sambit naman ni Ethan sabay hawak sa kaniyang dibdib na umaktong nasasaktan siya.



Tumawa si Miguel at Sean doon. "Bakit ka pa kasi lumipat? Ang ganda na nga ng usapan nating magkakasama dapat tayo hanggang Graduate eh," sabi naman ni Yael.



"Wala, trip ko lang. Nakakasawa na kasi pagmumukha ninyo" sagot naman ni Ethan



"Nakakasawa raw tapos may pasabi-sabi ka pa ng 'Miss ko na kayo pre'" sabi naman ni Sean at natawa sila doon.



"Oo nga. Kung makapagdrama ka sa gc wagas eh," sabi ni Zen.



Napailing nalang ako sa usapan nila.



Pagkatapos naming kumain ay hindi muna kami umalis sa condo nina Chi dahil iiyak si Raia, kaya hihintayin nalang naming makatulog siya upang hindi siya umiyak. Baka magalit pa si kuya kung malaman niyang napaiyak namin ang bata.



When Chiara finally put her to sleep, we quietly walked out of the condo.



Bigla naman akong nahilo sa hindi ko malamang kadahilanan. Masiyado yatang naparami ang kinain kong cake at matatamis kaya bigla nalang ako nakaramdam ng ganito.


Drunk On Your Love Where stories live. Discover now