13

31.5K 1K 597
                                    

13


Now that Sean's birthday party is going to happen, I feel nervous while Jeric is fixing me up. Jeric is the one taking care of me now because he knows a lot about these things. He also told me that he's the one who always organizes the birthday celebrants whenever there's an occasion in their province.



"Patapos na, beh." Aniya habang naglalagay ng powder sa mukha ko.



8:00 pm ang start ng Birthday Celebration ni Sean kaya 6:30 pm palang ay inayusan na ako ni Jeric. He said it might take him a while to fix me up, so we started early.



"Tanginang mukha 'yan, Andeng, ang ganda," sambit niya nang matapos niya na akong ayusan.



Tumayo ako at pumunta sa salamin para tingnan ang final look ko at agad akong nagulat sa resulta. Bakit mukha akong tao ngayon? Infairness, hindi ako nagmukhang kabute.



"Thank you, ang galing mo talaga pagdating sa pag-aayos, Jeric. Ikaw nalang ulit ang mag-ayos sa akin sa debut ko ha?" Sambit ko habang nasa salamin parin ang atensiyon ko.



Natawa naman siya sa akin habang inaayos niya ang mga make-ups na ginamit namin.



"Hindi ako papayag na hindi ako ang mag-aayos sa'yo sa debut mo. Kung ayaw ni tita na ako ang mag-ayos sa'yo . . . ay siyempre ipipilit ko," aniya naman sabay tingin sa 'kin.



My body feels tight because of the dress I'm wearing. I also wore heels to make myself a bit taller. My hair is curly at the ends today because Jeric said it suits my look better.



"Tapos kana ba, Ande—" hindi naituloy ni Kuya ang kaniyang sasabihin, bigla siyang napatulala. "Pangit mo," aniya.



Bigla ko siyang sinamaan ng tingin. "Makapagsabi ka naman diyan ng pangit e halos mapatulala kana sa akin kanina. Aminin mo na kasi na maganda ako, Kuya. Ayaw mo 'yon? may maganda kang kapatid." Sagot ko naman habang sinusuri ko parin ang itsura ko sa salamin.



"Pangit mo kaya," sagot pa niya. Naupo si kuya sa tabi ni Jeric.



"Hi, babe, hindi mo ba ako namiss?" Paglalandi naman ni Jeric sa kaniya.



Natawa naman ako sa expression ni kuya.



"What the fuck ka," sagot ni kuya



Natawa si Jeric doon. "Biro lang, ito talaga!" Sagot naman ni Jeric.



After praising myself, I invited Jeric to go out. It's already 7:30 so we need to go to Sean's house. We might be late.



"Manong Jun, ikaw nalang po ang mag drive, please," bulong ko kay manong Jun. Natawa naman siya sa akin.



"Sige, hija. Talagang takot na takot ka kapag si kuya mo ang nagmamaneho, ano," aniya.



Tumango ako roon. "Siyempre naman, manong. Grabe kaya magpatakbo 'yon, akala mo ay sumasali sa race, eh," sagot ko naman.



Nauna na kami ni manong Jun sa labas. Si Kuya naman ay bumalik sa kwarto niya dahil muntikan na niyang makalimutan 'yong regalo niya kay Sean.



"Let's g— oh manong Jun, bakit kayo ho ang mag mamaneho?" Tanong ni Kuya pagkabukas niya ng driver's seat.



"Dahil sinabi ko, Kuya, bakit aangal ka?" Sambit ko. Inirapan niya nalang ako at naupo na siya sa passenger seat. Ako naman ay nandito sa likuran.



Drunk On Your Love Where stories live. Discover now