28

25.9K 692 244
                                    

Palabas na sana ako ng gate nang may pumigil sa akin. Lumingon ako sa likuran ko at si Miguel ang tumambad sa'kin.



"M-May kailangan ka ba?" Tanong ko.



His face shows concern and he is looking at me seriously.



"Alondra. Please pakisabi kay kuya mo na gumawa na siya ng mga projects at assignments niya. Lately nawawala siya sa sarili."



Nagulat ako roon.



"Pumasok ba siya ngayon?" Tanong ko.



Umiling siya. "Hindi. Hindi rin siya nakakasagot sa mga recit niya. Please check on your brother. Hindi namin alam kung anong pinag-gagagawa niya sa buhay niya," sambit niya.



Bumuntong hininga ako. "I will," tanging sagot ko na lamang. Tumango siya roon. "Mauna na ako" pagpapa-alam ko.



"Ingat"



Sean informed me that he needs to go home early again because he has something important to attend to. It's probably business, I'm not sure. He hasn't told me what it is yet, but as far as I know, it's business.



Naghintay nalang ako ng bus sa bus stop dahil wala namang susundo sa 'kin. Tatawagan ko sana si manong Jun pero 'wag nalang.



Hindi naman nagtagal ay may bus nang dumating. Agad akong sumakay.



I leaned my head on the window, feeling extremely tired again. My head is hurting again.



Tomorrow is Saturday at naisipan kong umuwi muna. Sean said he'll take care of the dogs. I need to talk to kuya. I wonder what he's doing and why he can't answer his recit. At bakit wala siya sa kaniyang sarili? Broken ba siya?



When I arrived home, I immediately changed my clothes. I left some clothes here at home. I only brought a few to the condo.



I was busy brushing my hair when I heard a bottle break from my kuya's room. My eyes widened, so I quickly ran towards his room.



Pagkabukas ko ng pintuan ay andaming bote ng alak ang naka kalat sa sahig. 'Yong isang bote ay basag na. Si kuya naman ay naka-upo sa sahig habang nakayuko.



Agad akong nagmartsa papunta kay kuya.



"Kuya, anong ginagawa mo?!" Painis kong sabi.



Pinulot ko ang mga bote at itinabi sa gilid. Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Ito ba?! Ito ba ang pinagkaka-abalahan niya kaya hindi siya makasagot sa mga recit?! Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya nakakapagpasa ng projects?!



"Kuya!" Sigaw ko.



Napatingin siya sa akin. Pulang-pula ang mga mata niya. Parang wala siyang tulog. Gulong-gulo rin ang buhok niya.



Umiwas siya ng tingin.



"Ano ba naman 'yan, kuya!" Sigaw ko. "Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka nakakapagpasa ng mga projects mo?! Ito ba ang dahilan kung bakit wala kang maisagot sa mga recit?! Kuya, ano ba 'yang ginagawa mo!"



Napahawak ako sa aking sentido.



"Umalis ka nalang kung sisigawan mo rin lang ako, bunso," tanging sabi niya lang.



Agad akong nakaramdam ng inis.



"Ano?! Papa-alisin mo ako tapos ano? Ipagpapatuloy mo ang pag lalasing?!"



Drunk On Your Love Where stories live. Discover now