33

25.1K 745 1K
                                    

"Anak, 'wag mo kalimutan 'yung regalo na ibibigay mo kay Gina." Pagpapa-alala sa akin ni mommy.



5 years...



Limang taon na...



Uuwi na ako ngayon sa Pilipinas. Simula noong nailibing si kuya ay isinama ako nina mommy rito sa Hawaii. I continued my studies here. I'm almost about to become a Veterinarian. I'm just waiting for the results of the Veterinarian Licensure Examination.



"Eh 'yung binili mong regalo kina Zen, My?" I asked.



Bumili kasi kami ni mommy noong nakaraang araw ng pasalubong. Mom and Dad won't be able to come home yet because they still have some things to take care of.



"Nandito pala," aniya sabay abot sa akin.



"Ang dami naman nito, Mommy!" Reklamo mo.



Natawa siya. "Wala si kuya mo na reregaluhan ko, e," kalaunan ay sambit niya.



I fell silent, casting my gaze upon her. She responded with a smile and turned away, retrieving additional souvenirs.



After organizing the clothes and gifts, I decided to check my Instagram account. Pagka-open ko palang ay andami nang notifications ang natanggap ko.



SURPRISE FOR ANDENG

Jeorgina: Antanga niyo naman! Bakit niyo siya inadd?!

Yael: HAHAHAH gago hindi ako

Miguel: What the fuck.

Zeno: Napindot sorry! Si Sean dapat ia-add ko eh.

Yael: Gago nagsiseen si Isabelle. Bahala kayo diyan.



Gusto kong matawa dahil sa pag-uusap nila sa gc na ginawa nila. Nabasa ko na rin ang mga plano nila. Dapat pala isu-surprise nila ako pagkadating ko.



Jeorgina: Andeng kunyari nalang masu-surprise ka pag-uwi. Bwisit kasi 'tong mga kasama ko.

Me: mission failed.

Miguel: hahahhhamisskanarawniseanhaha

Gina: haha nahirapan akong magbasa dun ah

Zen: hahahahalabyugina

Gina: ew..



Itinago ko na ang phone ko at agad binuhat ang mga bagahe.



"Anak malelate kana sa flight!" Natatarantang sabi ni mommy.



"Easy ka lang, mommy, ano ka ba!" Natatawa kong sambit, "Babalik ako next month siguro" kalaunan ay sabi ko.



"Naku kahit 'wag kana muna bumalik"



Napahawak ako sa aking dibdib na tila ba nasasaktan. "Grabe, My? Ayaw mo akong bumalik?" Malungkot sa sabi ko.



Umiling si mommy roon. "Siyempre gusto! Pero dapat pag babalik ka ay may apo na ako," pabirong sabi ni mommy.



Umirap ako sa kaniya at mas lalo siyang natawa. "Ang bata ko pa! Kaka-24 ko palang last month" pagrereklamo ko.



"Not bad! Twenty plus ako nung nabuntis kay kuya mo"



"Ay ako hindi. Wala nga akong jowa, anak pa kaya? Si mommy talaga atat na atat magka-apo."



Drunk On Your Love Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin