40

31.7K 812 330
                                    

I looked at myself in the mirror. I was wearing a simple dress, and my hair was let down, slightly curled at the ends. I applied a bit of makeup on my face before I decided to go downstairs.


Hindi ko alam kung saan ang location na sinend ni mommy kaya binigay ko nalang ito kay manong Jun dahil siya naman ang nakaka-alam sa lahat ng mga lugar dito.


I got into our car and let Manong Jun drive me to the building my mom mentioned. I held the printed documents that I needed to submit, placed in a folder. I just gazed at the scenery outside the car.


Andami na rin palang nagbago sa lugar na 'to. Mas makulay na ito ngayon. Ang mga bahay naman ay makulay na dahil napalitan na ito ng mga paint.


Mga 20 minutes lang kaming nagbiyahe nang itinigil na ni manong Jun ang sasakyan sa tapat ng isang malaking building. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakarating dito. Pa'no ba naman ay hindi ako pinapayagan ni kuyang lumabas mag-isa. Hindi rin kami nagtutungo sa direksiyong ito dahil wala naman kaming pakay dito, ngayon lang talaga.


"Tawagan nalang po kita mamaya, manong," sambit ko at tumango doon si manong Jun.


I immediately got out of the car. I just observed the entirety of the building. It's huge. I wonder who owns it?

Diretso kong pinasok ang building. May mga napapatingin sa akin at agad na napapabulong sa mga kasama nila ngunit hindi ko ito pinansin. Mayroon ding sumisipol ngunit palihim nalang ako na napapa-irap. Hindi na bago saakin ang makarinig ng mga sumisipol sa kung nasaang lugar man ako.


Dumiretso na ako sa elevator upang tahakin ang 10th floor na sinasabi ni mommy.


Swerte ko dahil mag-isa ko lang na sakay ng elevator na 'to. When I reached the 10th floor, I didn't know where to submit the documents I was holding because I didn't know who Zeref was. So, I decided to ask the woman standing near the first door.


"Hi, miss. P'wedeng pakibigay 'to kay Zeref?" Tanong ko sabay lahad ng folder.


Binuksan niya ito at binasa ngunit agad ding ibinalik sa loob. "Ah, ma'am, pumunta nalang po kayo roon sa pangatlong room," sambit niya sabay turo sa room na tinutukoy niya.


"Sige. Thank you," sambit ko naman.


Agad akong nagmartsa patungo sa room na 'yon. Kumatok ako ng ilang beses at agad namang bumukas ito. Tumambad sabakin ang matangkad at makisig na lalake. Naka formal attire siya, 'yung pang office na attire talaga.


I cleared my throat. "These are from my mom, I mean from Althea Miranda," I said as I handed him the papers.


Agad niya itong kinuha, ngunit gaya nung ginawa ng babae kanina ay agad niya ring ibinalik sa akin ang folder.


"Punta ka nalang sa 5th door, miss. Pakisabi kay West ay i-transfer niya sa file 'yan tas balik siya rito kamo. Thanks," aniya sabay ngiti nang matamis.


Napakurap naman ako sa sinabi niya. Tumango nalang ako at agad pumunta sa pang limang pintuan. Bumuntong hininga nalang ako dahil pamilyar na pamilyar ang apelyedo na 'yon sa akin. West.


Mahigpit ang hawak ko sa folder. Kumatok ako ng tatlong beses ngunit hindi ito bumukas. Kumatok ulit ako ngunit wala paring bumubukas. Medyo naiinis na ako kaya ako nalang ang bumukas sa pintuan ngunit nanlamig ang katawan ko sa bumungad sa akin.


Nabitawan ko ang folder na hawak ko at hindi maalis ang paningin ko kay Tiffany na nakahawak sa necktie ni Sean ngayon at binibigyan siya ng halik. Napakagat ako sa aking labi dahil sa kirot na nararamdaman.


Drunk On Your Love Where stories live. Discover now