42

31K 773 327
                                    

When I woke up, it was already afternoon. Sean was no longer beside me when I got up, and I didn't know where he went.



Agad akong nagtungo sa ref upang tumingin ng makakain. Masakit ulit ang hita ko, para akong nag exercise ng isang linggo nang walang pahinga. Sobrang sakit din ng katawan ko.



Habang namimili ako ng makakain ay naramdaman ko nalang na may yumakap mula sa aking likuran, paglingon ko ay si Sean ito habang basang-basa pa ang kaniyang buhok, kaliligo lang siguro.



"Good afternoon, Isabelle," sambit niya. Ngumiti ako sa kaniya.



"Good afternoon" sagot ko. Napanguso ako dahil naka topless siya ngayon. Ang awkward lang tignan kaya napaiwas ako ng tingin.



"Nakita mo na lahat-lahat, Isabelle, tapos ngayon nahihiya kang tumingin sa akin? Abs lang 'yan, baby. Mas malala ang nakita mo kanina," Natatawa niyang sambit.



Kinunotan ko siya ng noo. "Bakit ba?" Pagalit kong sambit. Mas lalo siyang natawa doon dahil alam niyang medyo nainis ako.



Hindi ko rin alam kung bakit. Nakita ko naman na ang buong katawan niya pero bakit ako nahihiya?! Ang pabebe ko, bwisit.



I immediately prepared some milk. Mom always advises me to drink milk as soon as I wake up because it will greatly help me. I told her I'm too old for milk, but all I got was a lecture. She said milk isn't just for kids, so in the end, I just drank the milk.



"Kain kana diyan Isabelle. I need to attend a meeting with Zen," Sean said as he wiped his hair.



"May business kayo?" Kalaunan ay tanong ko. Simula noon ay wala na akong alam kung ano ang nangyayari sa buhay nila.



Tumango siya sabay subo ng tinapay na nakahain sa mesa. "We owned the Rover Pub Bar kung saan ka naglasing," sambit niya sabay tingin nang matalim sa 'kin.



"Oh, bakit ganiyan ka makatingin?"



"Hindi bagay sa'yo ang pumunta sa mga bar baby," seryosong sabi niya.



Kumunot naman ang noo ko doon. "Bakit naman?"



"Nag tu-twerk ka nalang bigla pag lasing. Kung sino-sino rin ang ginigilingan mo," painis niyang sabi.



Natawa ako sa kaniya. Pa'no ba naman eh kunot ang noo niya habang kumakain ng tinapay. Para siyang angry bird.



"Okay. Hindi na mauulit" natatawa kong sabi.



Umirap siya kaya napa-awang ang labi ko. What?! Did he just... oh my goodness, may regla ba 'to?



I immediately headed to the cabinet, and upon opening it, I was greeted by many packs of napkins he had bought before, which I never used. I grabbed them and threw them at him right away.



Gulat naman siyang nakatingin sa akin, nagtataka kung ano ang gagawin niya sa pads. "Isuot mo 'yan. Ang sungit mo eh, nireregla ka yata," natatawang sabi ko.



Napatunganga siya sa akin ngunit agad ding nagmartsa patungo sa gawi ko. He hugged me.



"Namiss talaga kita," sambit niya.



Palihim akong napangiti, ang tanda ko na ngunit kinikilig parin ako.



"Namiss din kita," sagot ko.



"Alam mo bang sobrang nag-alala ako sa'yo noong bigla nalang dumugo ang ilong mo habang nag re-review," Kalaunan ay sambit niya.



Iyon 'yung time na sobrang stressed ako. Noong papalapit na ang final examination namin. I did intense reviewing, barely getting any sleep. Suddenly, my nose started bleeding during those times. It was also the time when Sean flew to Hawaii just to see me.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon