36

28.6K 793 297
                                    

Pagka-uwi ko ng bahay ay pinagpatuloy ko ang pagtulog ko. Nagising lang ako nang may naramdaman akong yumuyugyog sa 'kin.



"Hoy, bruha, gising! Punta raw tayong beach, treat ni Yael," sambit ni Gina.



I opened my eyes, and there she was, currently admiring herself in the mirror while brushing her hair.



Agad akong bumangon at napatingin naman si Gina sa akin. Nanlaki ang kaniyang mata habang pinagmamasdan ako.



"Bakit ganiyan ka makatingin?" Tanong ko. I got up and took the towel to shower, but Gina's gaze still lingered on me.



"Saan mo nakuha 'yan?! Oh my gosh, sino ang ka one night stand mo kagabi?! 'Yung quite boy ba?" Gulat na tanong niya.



Kumunot ang noo ko at agad nagmartsa papuntang salamin. Nanlaki ang mata ko nang makitang andaming pulang marka sa leeg at sa dibdib ko! Agad ko itong tinakpan ng towel at gulat na napatingin kay Gina.



"Tatakpan pa eh nakita ko na nga," pairap na sambit niya. "Sige maligo kana. Matutulog muna ako rito, ha? Gisingin mo nalang ako mamaya," sambit niya at agad nahiga sa kama ko.



Agad akong nagmartsa papuntang banyo. Napahawak ako sa aking leeg at dibdib. May mga pulang marka ako. Ang dami!



"Tangina ka, Sean," pabulong na sambit ko.



Ibinabad ko lang ang sarili ko sa bath tub. Kailangan kong ma refresh, parang nanganak ako kung tutuusin kasi shuta ang sakit sa gitna ng hita ko! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at pumayag ako kagabi?



I closed my eyes while soaking in the bathtub. When I felt refreshed, I quickly got up and put on a robe. I also went outside even though I couldn't walk properly. I wore a dress because I would only hurt myself if I wore pants!



"Hoy gising," sambit ko kay Gina nang tuluyan na akong makapagbihis.



"Tara na?" Aniya habang kinukusot ang kaniyang mga mata.



Tumango ako. "Asaan ba sila?"



"Ewan, may pinuntahan sila saglit. Ang sabi ni Yael ay daanan daw kita tas dadaanan nila tayo mamaya," aniya.



Tumango ako. "Baba na tayo. Hintayin natin sila sa labas"



Gina and I quickly went downstairs. It didn't take long before I heard the voices of a group of men and a child laughing. Nangunot ang noo ko at nagmartsa palabas.



My lips curved into a smile when I saw Zen holding Raia while Miguel tickled the child's side. Yael was happily recording them.



"Hoy, bakit nandito ang pamangkin ko?!" Sigaw ko.



"Tinakas namin," sagot ni Zen.



Agad ko siyang kinarga at agad naman akong niyakap ni Raia. "Bobo talaga kayo!" Painis na sambit ko.



"Tita, what is bobo po?" Kalaunan ay tanong ng bata. Napatakip ako sa aking bibig.



"Bad 'yun, baby. 'Wag na 'wag mong babanggitin 'yun, okay?" Sambit ko.



Tumango siya habang nakangiti. "Okay"



"Yuck, bad influence sa pamangkin" pang-aasar ni Miguel. Inirapan ko lang siya.



Bumaling naman ako kina Zen. "Ibalik natin 'tong bata. Mag-aalala si Chi rito"



"Dadaanan natin si Chi mamaya. Nag grocery raw, eh. Hindi p'wedeng hindi 'yun sasama," sabi ni Miguel, "baka sapakin kami ni Xam sa langit 'pag naiwan si Chi sa tropa bonding"



Drunk On Your Love Where stories live. Discover now