27

24.2K 682 298
                                    

"You failed, miss Miranda."



Yumuko ako, pinipigilan ang aking luha na kanina pa gustong tumulo.



I knew it.



I was right. I will fail.



"Why? What happened? Ikaw ang pinakamataas sa mga researches, pero bakit ganito? Ang laki ng gap nung mga grades mo before," sambit ni ma'am Rhea sa akin. "Perfect mo ang last research na pinasa mo pero it's not enough para ma-reach mo ang passing grade. What happened?"



Kailangan ko bang sabihin ang rason?



Sabay-sabay . . . Sabay-sabay silang nagbibigay ng mga activities to the point na hindi ko na kayang gawin isa-isa 'yon. But I know that's not a good enough reason for me to fail. I have many classmates who didn't fail. I just lost track of time. But I did my best.



"I don't know, ma'am," tanging sagot ko nalang. Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya.



Tumingin ako sa kaniya. Bakas sa mukha ni ma'am Rhea ang matinding pag-aalala.



"Alam kong sobrang busy niyo, kami rin naman. Pero sana lumaban tayo, 'nak, ha? Kayanin natin . . . kayanin mo," sambit niya at binigyan ako ng isang ngiti.



Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik.



Pagkabalik ko ng classroom ay wala na si Gina roon. Umuwi na siguro siya. 4:30pm na. Ngayon lang ako kinausap ni ma'am dahil alam niyang wala na kaming klase tuwing 4:00pm.



I immediately took my bag and laptop.



I want to cry. I want a hug.



Pagkalabas ko ng classroom ay tumambad sa akin si kuya. Halatang katatapos lang ng training nila sa basketball. Kapapalit niya lang din ng damit.



Agad siyang humakbang papalapit sa akin at agad niya akong niyakap.



Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.



"K-kuya . . ."



"Shhh." Aniya at hinaplos ang buhok ko.



Patuloy lang ako sa pag-iyak.



"K-kuya . . . Bagsak ako"



Patuloy lang sa paghaplos si kuya sa buhok ko. Alam kong bumagsak ako dahil sa pag ra-rush ko noon. I failed because of lack of time.



"Proud si kuya sa'yo," tanging sambit niya lang.



Agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa kaniya.



"Proud kang bagsak ako?!"



Umiling siya. "Proud ako sa'yo palagi, Alondra. Hindi maiiwasan ang pagkabagsak, tandaan mo 'yan. Parte 'yan ng pagiging estudyante."



My tears fell again. I heard my older brother sigh before he hugged me again.



"Ilang subject ang bagsak mo, bunso?" Kalaunan ay tanong niya.



"Sa research."



"Ako nga may dalawang subject akong bagsak last sem, e. 'Di ko kasi nagawa plates ko," natatawa niyang sambit, "alam kong may rason kung bakit ka bumagsak. Siguro kulang ka sa oras, or hindi mo nagawa, or hindi mo talaga ginawa."



Drunk On Your Love Where stories live. Discover now