29

25.8K 684 157
                                    

"Sean," naiiyak kong sambit.



Sean just arrived now. He just came back from the business he's been going to.



He hugged me. "Shh. Babalik si Xamuel. Don't worry, baby."



"Sean, sa tingin mo nasa maayos na kalagayan si kuya ngayon? Nag open ba siya sa'yo tungkol sa problema niya?"



"He's safe, I know Xam," he said. "We haven't talked lately. He hasn't been open to us. And he always keeps his problems to himself."



Isang linggo.



Isang linggo nang nawawala si kuya.



Halos hindi ako makatulog tuwing gabi kakaisip kung maayos lang ba siya. Kung nasa mabuti bang kalagayan ang kuya ko. Kung kumakain ba siya ng tatlong beses sa isang araw.



"Sa tingin mo ba kailangan kong sabihin kina mommy 'to?" Tanong ko.



"You should, Isabelle. One week nang nawawala ang kuya mo." Tumango ako.



"Sasabihin ko na ngayon."



I immediately grabbed my laptop from the table to open it. I need to call them on Skype. They need to know. My hands were almost shaking as I typed my laptop's password. I was also getting cold. I don't know why, but every time I get nervous, I feel like I'm going to vomit. My entire body gets cold and I start to shake.



Sean immediately held my hand. I looked at him and saw the intense worry on his face. He smiled at me, as if assuring me that everything will be okay.



Agad sinagot ni mommy ang tawag ko.



"Anak?"



"My..."



Nakasuot si mommy ngayon ng formal attire. Baka may meeting nanaman sila.



"Busy ka ba, Mommy?" Tanong ko.



"No. Actually kakadating ko lang ng bahay. Why?"



"Mommy..." naluluhang sambit ko.



Bakit ba ako naiiyak?! Magiging okay rin ang lahat! Ano ba, Alondra! Dadating din si kuya. Dadating siya.



"Yes, anak? What is it?" Kunot na ang noo ni mommy ngayon.



Nakita ko naman si daddy sa likod na napasulyap sa camera at agad lumapit sa gawi ni mommy.



"May nangyari ba? Alam ko na 'yang mga ganiyang pagmumukha, anak. May nangyari ba?" Tanong ni daddy.



Napakagat na rin si mommy ng kuko niya dahil nag-aalala na siguro. Gawain na 'yan ni mommy tuwing kinakabahan eh.



"Nawawala si kuya"



Nanlaki ang mata roon ni mommy at mas lalong lumapit sa screen.



"Ano?" Gulat na sambit niya at bumaling kay daddy. "Jonathan" pag-uusap niya kay daddy.



Lumapit din si daddy sa camera. "Since when?"



"One week na po siyang nawawala," kabadong sambit ko.



Napahawak si mommy sa kaniyang sentido. "Oh my goodness! Saan naman pumunta ang kuya mo?"



Hindi ko na napigilan ang luhang kusang tumulo mula sa mga mata ko. "Hindi ko alam, My. Ang sabi niya . . . a-ang sabi niya may aasikasuhin lang daw siya . . . s-sabi niya m-may problema siya. S-Sabi niya pagkabalik niya ay m-magiging okay na ang lahat. Hindi ko alam kung n-nasaan si kuya. Mommy, nasaan na kaya siya?"



Drunk On Your Love Where stories live. Discover now