08

35.7K 1K 412
                                    

08


Halos tatlong oras kaming nasa Hospital. P'wede na raw akong maka-uwi sabi ng Doctor kapag kaya ko nang mailakad ang paa ko. Hindi naman na siya gaano kasakit kaya pinilit ko si Sean na umuwi nalang kami. Noong una ay ayaw niyang pumayag pero pinilit ko siya hanggang sa pumayag siya. 


While we were in the car, my cellphone vibrated, so I immediately checked it.


Gina: beh, bakit absent ka? Akala ko kumuha ka lang ng admission slip pero hindi ka na bumalik gaga ka.


Me: nsa hospi aq.


I tucked my cellphone into my pouch because I was starting to feel dizzy. I don't know why, but whenever I use my phone while traveling, I suddenly feel dizzy, so I rarely use my phone during trips. Or I'll wait until the car stops to use it.


Tumikhim si Sean dahil sa katahimikang nagaganap ngayon dito sa loob ng sasakyan niya. Napalingon ako sa kaniya na seryosong nag da-drive.


"Masakit parin ba?" Bigla niyang tanong habang nakatingin sa akin.


"Tumingin ka nga sa dinadaan mo ano ba?" sambit ko sabay hampas sa braso niya. Baka mabangga pa kami nang wala sa oras dito.


Agad naman niyang ibinaling ang atensiyon niya sa daan.


"Hindi na masiyado. Nakakalakad na nga ako, e," sagot ko naman. Tumango lang siya.


I'm now focusing outside, watching the people we pass by.


We suddenly stopped because of the traffic. I glanced at the window of the cake shop in front of us. I immediately felt tempted because I suddenly craved cake. As we drove away, I kept looking at that store, pouting because I was really craving. I'll just ask my Kuya to buy some for me later.


Na-curious naman ako nang bigla kaming nag U turn. Napatingin ako sa kaniya.


"Where are we going?" I asked. He didn't speak until we reached the front of the cake store.

Gulat akong napatingin sa kaniya.


"You want cake?" Tanong niya.


"Hala, hindi na. Ideretso mo nalang ako sa bahay," agad namang sabi ko.


Grabe pala talaga ang instinct ni Sean. Paano niya nalaman na gusto ko ng cake? Am I really that obvious?


"Stay here. I will get you a cake," he said before leaving. I was about to stop him, but he closed the car and seemed determined not to come back without bringing a cake.


Susundan ko na sana siya pero naalala kong hindi pala ako makalakad nang maayos. Baka kung sinundan ko pa siya ay mabangga ako ng truck tapos mag kaka amnesia pa ako. Nasa gilid lang kasi kami ng highway. At tatawid na muna bago ka makakapunta sa store.


After 5 minutes ay nakarating din siya kaagad at may dala siyang isang mini cake. Maliit lang siya na hugis square. Ang cute.


"Here." Aniya sabay abot sa akin nung cake. Napanguso naman ako dahil kinikilig nanaman ako.


"Magkano 'to? Babayaran ko nalang," sabi ko dahil masiyado na siyang maraming nagastos sa akin ngayong araw! At nakakahiya 'yon.


"No need," aniya.


Ano ba 'yan?! Balak niya ba akong ilibre buong araw?


"Bakit?" Tanong ko naman.


Drunk On Your Love Where stories live. Discover now