resting place...

57K 2.8K 5.5K
                                    

Cesia's POV

Napangiti ako sa lupain ng France na natatanaw ko mula sa loob ng eroplano. Saka ko inilipat ang aking atensyon kay Trev na nakaupo sa tabi ko at may tinitignan sa laptop niya.

Humilig ako sa kanya para makisilip. "Ano 'yan?"

Kumunot lang ang kanyang noo nang hindi ako binabalingan ng tingin. Mula sa pagkakatukod sa pagitan namin, bumaba ang kanyang braso at hinawakan ang hita ko.

"Trev?" usisa ko.

"They're Dutch," aniya.

"Sino?"

Nilingon niya ako. "You remember the men from Greece? The ones that abducted you?"

Tumango-tango ako.

"Turns out they're not from Greece," pagbibigay-alam niya. "Which means..."

"Which means?" pag-uulit ko.

"Whoever they work for is Dutch..." Inangat niya ang kanyang kamay at ipinalagay ito sa likod ng balikat ko. "-or they work internationally."

Sumandal ako sa braso niya.

"I hope it's not the latter," dagdag pa niya. "An internal organization that knows about our existence and continues to hunt mythological creatures for power..."

"Pamilyar..." puna ko. "Parang yung rebels lang."

Napangiti siya sa sinabi ko. Marahan niyang pinisil ang aking balikat at tinulak ako papalapit sa kanya para halikan ako sa buhok bago ako bitawan.

"I need to show you something," sabi niya at iniharap ang laptop sa'kin.

Napa-'oh' ako sa isang litrato ng mansyon na nakatanaw sa baybayin. "Ang ganda..."

"You think so?"

Nginitian ko siya. "Mmm!"

"It's a chateau in Normandy." Binalik niya ang laptop sa pagkakaharap sa kanya. "And it's where we're staying."

"Hindi pa ako nakapunta sa Normandy..." nangunguryuso kong sabi.

"You're going to love it."

Bahagya kong itinagilid ang aking ulo pagkatapos kong malaman ang dahilan kung bakit napili niya ang Normandy. Bukod pa sa hindi itong gaanong kalayo sa Paris kung saan naroon ang mga kamag-anak niya, dito rin siya lumaki.

"Pupunta tayo sa Seine-Maritime?"

Yumuko siya at nasilayan ko ang isang ngiting namuo sa labi niya. "Yes." Nilingon niya ako. "We are."

"Ang ganda ng lugar na kinalakihan mo..." Kumisap-kisap ako sa kanya. "Kaya ba mahilig ka sa magaganda?"

Marahan siyang natawa, samantalang napangiti naman ako sa reaksyon niya.

"Trev..." mahina kong sambit. "Ano bang gusto mo?"

Nagkasalubong ang kanyang kilay.

"Ilan?"

Bahagyang umawang ang kanyang bibig nang maintindihan ang ibig kong sabihin. "Why are you asking me?" aniya. "You? What do you want?"

Huminga ako ng malalim at sumandal sa aking upuan. Ilang segundo akong napatitig sa aking harapan, nagdedesisyon kung anong sasabihin, bago muling magsalita.

"Buntis si Kara."

Sinulyapan ko si Trev mula sa sulok ng aking mga mata at nakita siyang dahan-dahang napatingin sa ibaba.

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon